Facebook

PSA PRESIDENT’S AWARDEE SI POC CHIEF (REP.) ABRAHAM ‘BAMBOL’ TOLENTINO

ANG magiting na lider na namuno sa Philippine sports partikular sa panahon ng madilim na kabanata ang isa sa pararangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kasama ng iba pang achievers noong 2020.
Si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang gagawaran ng President’s Award sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night na gaganapin sa TV5 Media Center sa Marso 27.
Bilang isang Representante ng 8th District ng Cavite ang pinuno ng POC ay nag-insert ng P180 Milyon item para sa Bayanihan to Recover as One Act 2 para sa kapakanan ng mga atleta at coaches ng pambansang koponan.
Sa ilalim ng House of Representative version ng Republic Act 114.94, ang mga miyembro ng national squad ay tatanggap ng buwanang allowances ng buo na nagsimula noong Nobyembre 2020 matapos na matapyasan ito sa kasagsagan ng pandemya.
“Even before the din of victorious Philippine campaign in the 2019 Southeast Asian Games was over, He (Tolentino) proceeded to lead the way for Philippine sports through uncertainty and darkness wrought upon by an invincible and merciless adversity in 2020,” wika ni PSA president Tito Talao- sports editor ng Manila Bulletin, kaugnay ng pagpili kay Tolentino sa naturang parangal.
“If for this alone, the PSA President’s Award is most sincerely presented to Rep.Abraham ‘Bambol’ Tolentino, president of the Philippine Olympic Committee.
Ang 57 -anyos na dating Councilor at Mayor ng Tagaytay City ay nasa hanay ng mga magigiting na receipients ng President’s Award tulad nina World Champion at Tokyo Olympic bound gymnast Carlos Yulo, ang National University Lady Bulldogs, at Gilas Pilipinas 3.0 Samahang Basketbol ng Philippine (SBP) chairman emeritus at PBA team owner Manny V. Pangilinan, Ateneo men’s basketball team, pool champions Rubilen Amit at Dennis Orcullo, LeeVan Corteza atbp.
Bilang test anento sa kanyang mahusay na leadership, nabigyan mula ng fresh four-year mandata si Tolentino matapos ang kanyang re-eleksiyon bilang pinuno ng Olympic governing body ng bansa noong Nobyembre
Nauna na siyang nahalal upang tapusin ang termino ng nagbitin sa Tungkuling si dating POC President Ricky Vargas noong 2019.
Bago natapos ang 2020, si Tolentino ay nahalal muli bilang pinuno ng Phil Cycling.(Danny Simon)

The post PSA PRESIDENT’S AWARDEE SI POC CHIEF (REP.) ABRAHAM ‘BAMBOL’ TOLENTINO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PSA PRESIDENT’S AWARDEE SI POC CHIEF (REP.) ABRAHAM ‘BAMBOL’ TOLENTINO PSA PRESIDENT’S AWARDEE SI POC CHIEF (REP.) ABRAHAM ‘BAMBOL’ TOLENTINO Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.