SUGATAN pero nakaligtas ang isang lalaki nang ilang ulit na pumalya ang baril ng gunman na humahabol sa kaniya sa Tayuman, Maynila.
Sa ulat, nakunan ng CCTV ang habulan ng biktima at ng gunman sa kalsada ng Tayuman.
Tumumba ang lalaki at pinaputukan ng gunman, pero gumapang siya sa ilalim ng sasakyan para magtago at makatakas.
Nakalabas siya sa kabilang gilid ng kotse pero bumagsak siya sa bangketa matapos tumakbo. Umikot ang gunman sa sasakyan at muling binaril ang biktima, pero hindi pumutok ang armas kaya nakabangon at nakatakbo pa ang biktima.
Nakarating pa sa isang eskinita ang habulan ng dalawa.
Muling binaril ng lalaki ang biktima habang tumatakbo, pero nagloko na naman ang baril nito. Nang umayos ulit, malapitan nang binaril ng lalaki ang biktima.
Nakita rin sa CCTV ang isang lalaking nakamotorsiklo na kasabwat pala ng gunman. Sumakay ito sa motorsiklo at tumakas.
Nang mawala ang mga salarin, tinangka bumangon ng lalaki at humingi ng tulong sa mga residente.
Kasalukuyang nagpapagaling ang 36-anyos na biktima at stable na ang kaniyang kondisyon. Gayunman, tumagos sa kaniyang dibdib ang isang bala at nadaplisan din ang kaniyang ulo at balikat.
“Ang isa sa anggulo na nakikita natin ay may kinalaman talaga siya sa transaction sa droga. Isa sa mga tinitingnan natin na anggulo ‘yung onsehan na naman,” sabi ni Major Carlo Loñosa, hepe ng Tayuman PCP.
Ayon sa ulat, nagmula sa Floridablanca, Pampanga ang biktima at nagmaneho pa-Maynila nitong Miyerkules.
May sakay na tatlong pasahero ang biktima, kungsaan dalawa ang nawawala ngayon.
Ang isa na nasa front passenger seat, kaibigan ng biktima na nakausap ng mga awtoridad at itinuturing ngayong testigo.
Patuloy na pinaghahanap ang mga salarin at dalawang pasahero na nagrenta sa biktima para bumiyahe mula
The post Lalaki ilang beses pinutukan, nakaligtas sa palyadong baril ng gunman sa Tondo, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: