MAKAKASAGUPA ni Filipino fighter Jenel Lausa ang bagong kalaban sa BRAVE Combat Federation debut ngayon, Marso 11.
Sa last-minute decision, inanunsyo ng BRAVE nitong Martes, na si Rahmatullah Yousufzai ng Afganistan ay umatras sa kanyang three-round flyweight bout laban kay Lausa sa BRAVE CF 47; Asian Domination sa Bahrain.
Kapalit ni Yousufzai ang Russian Ryskulbek Ibraimov, na sa inisyal eskedyol na makakaharap ang Kazakhstan Asu Almabaev sa parehong card. Hindi nilinaw ng BRAVE ang rason kung bakit umatras ang fighters.
Ibraimov, may hawak na 18-8 rekord anim na submissions at three knockouts, ay nakasandal sa seven-match win streak mula April 2019 bago lumipat sa Bahrain-based promotion.
Ang Russian fighters ay minsan lang nabigo sa 12 fights sa magkaibang promotions mula March 2018.
Habang si Lausa, ay umaasa na mapaganda ang kanyang simula sa BRAVE na may 7-5 rekord.
The post Lauza may bagong kalaban sa BRAVE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: