Facebook

15 personal computers ipinagkaloob ng Meralco sa NCRPO

Personal na tinaggap ni Philippine National Police Chief, PGen Debold M. Sinas ang donasyon ng Meralco na ginanap sa Hinirang Multi-purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City nitong March 8, 2021.
Ipinagkaloob ng Meralco ang 15 personal computers sa NCRPO upang lalong mapabuti ang administrative at operational abilities ng nasabing grupo.
Naging representante ng Meralco sina Senior Vice President and Head, Networks, Mr. Ronnie L. Aperocho at Mr. Jeffrey Tarayao, President One Meralco Foundation sa pagta-turned over ng mga nasabing personal computers sa NCRPO.
Kabilang sa mga dumalo sina PNP Top Brass, NCRPO Command Group, at iba pang Police Commissioned Officers; Mr. Sante C. Buella, Mr. Robert C. Capule, Mr. Zenon Marthy M. Regino, Mr. George R. Gerardo, Mr. Michael M. Saguin at Mr. Ralph Anthony M. Supan.
Ipinaabot naman ni PMGen Vicente D. Danao, Jr., ang pasasalamat sa mga donors.
Sinabi nitong ang 14 computers gagamitin sa region’s last standing force, ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at ang ibang computer ipagkakaloob sa Regional Engineering Unit (REU).
Para ipakita ang kanilang pasasalamat, pinagkalooban ni PNP PGen Sinas ng tokens of appreciation ang mga donors na inasistehan ng mga miyembro ng kanyang Command Group at ni Regional Director PMGen Danao.
(Gaynor Bonilla)

The post 15 personal computers ipinagkaloob ng Meralco sa NCRPO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
15 personal computers ipinagkaloob ng Meralco sa NCRPO 15 personal computers ipinagkaloob ng Meralco sa NCRPO Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.