CAGAYAN – Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang kapitan ng barangay matapos mahuli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Barangay San Isidro, Baggao dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Kate Littaua ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cagayan, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng illigal na droga ng isang opisyal ng barangay.
Minanmanan ng mga otoridad ang nasabing opisyal hanggang sa isinagawa ang buy bust operation sa mismong barangay nito at naaresto.
Kinilala ni Police Colonel Ariel Quilang, direktor ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang nadakip na si Arnold Alonzo,45 anyos, kapitan ng Barangay San Isidro.
Narekober sa pag-iingat ng kapitan ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000.
Ikinagulat ng ibang opisyal ng barangay maging ng mga residente ang pagkakasangkot sa droga ng kanilang kapitan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at administratibo si Alonzo.(REY VELASCO)
The post Kapitan ng barangay sa Cagayan timbog sa pagtutulak ng shabu mismo sa barangay hall appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Kapitan ng barangay sa Cagayan timbog sa pagtutulak ng shabu mismo sa barangay hall
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 10, 2021
Rating:
Walang komento: