Facebook

Young & Dynamic Mayor Eric Africa of Lipa City

ISA na marahil sa pinakabatang punong lungsod sa lalawigan ng Batangas itong si Lipa City Mayor Eric Africa.

Bagamat di pa natin ito nakakadaupang-palad ng personal, base sa mga ginawa nating research patungkol sa butihing alkalde ay nabatid natin na isa itong masipag at masigasig na lider ng naturang progresibong siyudad sa lalawigan ng Batangas.

Malapit at sadyang mahal ng kanyang mga constituents.

Isang tunay na kaibigan at barkada sa sektor ng kabataan at isang magalang at mapitagang tao pagdating sa pagtrato sa kanyang mga kababayang senior citizens.

Isang moog na halimbawa na lamang ang kanyang tanggapan sa city hall ng Lipa.

Lahat ng nagpupunta doon, maging ito man ay mga taal na taga-Lipa o mga bisita lamang mula sa malalayong lugar, agad na madadama ang ‘comfort & cozy ambience’ ng opisina ni Mayor Eric.

Tila ipinahihiwatig at nais na ipadama sa lahat na ang tanggapan ng punong lungsod ng Lipa City ay open para sa lahat and everybody is WELCOME!

Kung gaano kaganda at kaaya-aya ang silid ng alkalde ay iyong din ang repleksyon ng pagkatao ng batang chief executive.

Approachable at very accommodating.

Nanalong alkalde si Eric Africa nito lamang Mayo 2019.

Nasa 1st term pa lamang si Mayor Eric ngunit mabilis niyang nakuha ang pagmamahal at respeto ng kanyang mga constituents.

Bakit nga ba hindi?

Hindi alkalde ang datingan at porma ng mabait na mayor.

Aakalain mong isa lamang siyang ordinaryong kabataan na empleyado ng pamahalaang lungsod.

Wala sa kanyang likuran o sa kanyang paligid ang mga tipikal na “armed bodyguards” na ordinaryong tanawin na sa mga tradisyunal na pulitiko dito sa ating bansa.

Kung may ilang close in security si Mayor Eric, hindi mo ito mahahalata o mapapansin.

Ika nga, walang ganoong istilo ng yabang o angas ang simpleng alkalde.

Mayor Eric roams the city wearing only denim blue pants, t-shirt and walking shoes.

Napakasimpleng tao talaga.

According to his very accommodating secretary and staff, paraan ito ng alkalde para di ma-intimidate ang sino man na siya ay lapitan at kausapin.

Pinatunayan ng dynamic mayor ng Lipa na ano mang problema, gaano man ito kalaki ay kaya itong harapin gaya ng pagdating ng salot na Covid-19 virus sa bansa at sa kanilang siyudad sa kapit-bisig na patutulungan ng lahat.

Ang “proactive approach” ng batang mayor sa pagtugon sa pandemya dulot ng Covid-19 ay talagang kahanga-hanga.

Hindi kinakitaan ng ano mang pag-aatubili si Mayor Eric at agad nitong pinag-isa ang lahat ng tanggapan ng city hall tungo sa iisang direksyon…labanan ang salot at proteksyonan mula sa virus na ito ang lahat ng Lipenos.

Bukod sa pagtutok sa salot na Covid-19, isinulong din ni Mayor Africa ang mga paraan kung paano matulungan ang kabuhayan ng kanyang mga constituents directly hit by series of lockdowns and implementation of strict health protocols .

Pati ang mga mag-aaral na napuwersang magpatuloy ng kanilang pag-aaral thru online learning ay kanyang inayudahan.

Nagkaloob ang butihing alkalde at ang pamahalaan siyudad ng Lipa ng mga ‘tablets at laptop’ sa mga guro at estudyante ng lungsod.

Pati ang mga paaralan sa buong Lipa City ay pinakalooban nito ng mga kakailanganing gamit gaya ng printing machines para sa paggawa ng modules.

Bagamat lahat naman ay sadyang apektado ng pandemya, sinikap ni Mayor Eric na mabawasan ang impact nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Lipenos sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito na makaagapay sa kanilang hanapbuhay at pinagkakakitaan.

Not to mention, ang mga nakalatag ng programa at proyekto ng city hall na layong tulungan ang mga mamamayan na maka-survive sa pandemyang ito.

Sa maikling pananatili ni Mayor Africa sa city hall, napatunayan na agad nito ang kanyang hindi matatawarang pagmamahal sa kanyang mga mamamayan at ang tunay na malasakit para sa kanilang lungsod at sa kanyang mga kababayan.

Ang mapagsilbihan at maproteksyonan ang kapakanan ng bawat Lipenos!

Mabuhay ka Mayor Eric!

May your tribe increased!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Young & Dynamic Mayor Eric Africa of Lipa City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Young & Dynamic Mayor Eric Africa of Lipa City Young & Dynamic Mayor Eric Africa of Lipa City Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.