UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na makipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinatutupad na health and safety protocols upang maiwasan ang paglobo na naman ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Sa pagdating ng mga bakuna, hindi ibig sabihin na isasawalang bahala na natin ang mga itinakdang health and safety protocol, tulad ng pagsuot ng mask at face shield, pag-obserba ng social distancing, madalas na paghugas ng kamay, pananatili sa loob ng bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas, at ang patuloy na pag-iingat para maproteksyunan ang ating kalusugan,” ang paalala ni Sen. Go.
Sinabi ni Go na ang kooperasyon at pagmamalasakit sa kapwa ay makapagliligtas ng buhay at ng mg mahal sa buhay kaya dapat na tulungan ang gobyerno para mapaigting ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa harap ng ulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Ipagpatuloy po natin ang bayanihan at kooperasyon sa gobyerno. Isang taon na tayong nagsakripisyo dahil sa pandemyang ito. Huwag nating balewalain ang mga protocols, para hindi masayang ang mga sakripisyo nating lahat,” dagdag ng senador.
Muli ring kinumbinsi ni Go ang taonbayan na magtiwala sa bakuna pero huwag maging kampante hanggang hindi pa nararating ang herd immunity.
“Nandito pa rin ang banta ng COVID-19. Huwag tayong matakot sa bakuna. Matakot tayo sa COVID-19,” ani Go.
Ayon sa senador, konting tiis na lang dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat para tuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa mga Pilipino.
Ang maayos na vaccine roll-out at ang kooperasyon aniya ang tanging susi at solusyon upang tuluyang malampasan ang pandemyang hinaharap ng bansa.
Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na panatilihin ang ilang lugar na may naitalang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilalim ng general community quarantine habang nasa mas maluwag na modified general community quarantine ang ilang area simula March 1 hanggang 31.
Tinukoy din ng IATF ang mga ilalagay sa special attention ng local government units, Regional IATF at ng National Task Force
Ipinaalala rin ng IATF sa mga awtoridad na ang reclassification, localized ECQs at lockdowns nang waang approval ng Executive Order No. 112 (s. 2020) ay hindi suportado ng national government authorities.
“Sundin po natin ang mga patakaran ng gobyerno dahil lahat po ng ginagawa natin ay para naman proteksyunan ang buhay at kapakanan ng mga Pilipino,” paalala pa ni Go. (PFT Team)
The post Bong Go: Kahit may bakuna na, ‘wag maging kampante vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: