Facebook

Libreng Kape at Biskuwit

AS the facts change, change your thesis. Don’t be a stubborn mule, or you’ll get killed. — American billionaire Barry Sternlicht

KUNG pakikinggan natin ang lahat ng mga balita ukol sa patuloy na pagkalat ng Covid-19 sa kabila ng mga pinapairal ng ating pamahalaan na mga pagbabawal at health safety protocol, makikitang malaki ang responsibilidad ng publiko para mapigilan ang pandemya at makamit natin ang kaunting kaluwagan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay kundi man tayo makabalik sa dating normal

Subalit hindi yata natin makakamit ang ganito kalagayan dahil sadyang napakatigas ng ulo ng ating mga kababayan at sadya ring sinusuway ang mga alituntunin sa quarantine para isiping malabong mangyari na marating natin ang inaasam-asam ng administrasyon Duterte na ‘herd immunity’.

Makikita sa ating mga komunidad at barangay ang katigasan ng ulo ng karamihan sa ating mga Pinoy. Makikita ang mga batang naglalaro sa lansangan, mga istambay na nag-iinuman sa suluk-sulok ng mga kalsada, mga senior citizen na namamasyal sa kung saan-saan, mga adik na patuloy sa pagbili at pagbenta ng iligal na droga, mga dalagita’t binatilyong nagkukuwentuhan (o naglalandian) sa mga tindahan, mga opisyal at kawani (mga tanod) ng barangay na nakaabang lang sa miryenda mula sa kapitbahay, at napakarami pang ibang lumalabag sa mga health protocol dahil nakasuot man ng face mask ay nakababa ito at ang karamihan ay wala ding mga face shield na suot.

At minsan nga ay muntikan pa akong mapaaway sa loob ng tren ng LRT dahil nagalit ang sinita kong matandang nakababa ang kanyang face mask at inalis ang face shield. Sa ngayon nga ay dikit-dikit na ang pashaero ng LRT at wala silang pakindangang mag-usap habang bumibiyahe kahit pa sinasabihan nang bawal ito sa loob ng tren.

May nagsabing dapat pinapaalalahanan ang mga ito. Pero, dapat pa nga bang paalalahanan sila?

Isang taon na tayong nasa pandemya kaya hanggang ngayon pa ba nama’y kailangan pang paalalahanan natyo sa mga dapat nating gawin para makaiwas sa sakit?

Kung ako ang tatanungin, mas mainam pa kung pabayaan na lamang ng gobyerno kung sinu-sino ang nais na sumunod sa mga protocol. At kung mayroong hindi sumunod at sa kasawiang-palad ay dinapuan ng Covid-19—aba’y wala nang sisihan.

Pero huwag ding mag-alala . . . makikilibang naman kami sa inyo kung sakali kayo’y masawi—para sa libreng kape at biskuwit . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

 

The post Libreng Kape at Biskuwit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Libreng Kape at Biskuwit Libreng Kape at Biskuwit Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.