Facebook

Limitado si Mane

HINDI si Manny Pacquiao ang magliligtas sa sambayanang Filipino. Siya ang tao na mahaba ang pangarap ngunit maikli ang kakayahan. Hindi niya kaya ang magulo at kumplikadong mundo ng pulitika. Mahihirapan siya. Maghunos dili ka, Mane.

Mahilig pumapel si Mane. Gusto mapansin siya. Malaki ang tingin sa sarili. Lahat pinapasok sa paniwalang kaya niyang gampanan ang bawat nais niya. Ngunit limitado si Mane. Hindi siya magaling. Tingin lang niya sa sarili iyon.

Pilit niya ipinalalabas na isa siyang masugid na tagapagtaguyod ng mabuting pamamahala sa gobyerno, o good governance. Bahagi kasi ito sa panawagan ibalik ang agenda sa demokrasya. Nais niyang palitawin na isa siyang kalaban ng korapsyon. Susmaryosep!

Gustong saklawin ang isang mahalagang bahagi ng demokratikong agenda sa pagpapanggap na tagapagtaguyod ng simulain kontra korapsyon. Nakakapagtaka sapagkat halos 11 taon siyang mambabatas – anim na taon sa Kamara de Representante at halos limang taon sa Senado, hindi siya nagsalita laban sa korapsyon.

Pinaniniwalaan na isa si Mane sa lalahok sa halalan pampanguluhan sa 2022. Plano niyang tumakbo silang pangulo, bagaman may nagsasabi na mas maigi siyang tumakbo bilang reeleksiyonistang senador.

Maituturing na halos bakante ang kanyang upuan sa Kongreso – Kamara o Senado. Hindi siya kinilala bilang masinop na mambabatas. Walang masabing Pacquiao Law, o anumang batas na naipasa sapagkat tinayuan ito sa bulwagan ng Kongreso.

Itinuturing si Mane na pampasaya sa halalan sa 2022. Kung laro ng teks ang halalan, siya ang panggulo. Hindi siya itinuturing na seryosong kalaban bagaman posibleng makasilat kung sapilitan niyang kukunin ang agenda ng kilusan ng demokrasya sa bansa.

Sa madaling usapan, maaaring pumapel sa 2022 si Manny Pacquiao bilang Grace Poe, ang mambabatas na nagpanggap na dala niya ang agenda ng “Daang Matuwid.” Huwad si Grace Poe sapagkat hindi siya seryoso sa “Danng Matuwid” at ginamit niya ang slogan at plataporma bilang sangkalan na mahalal noong 2016. Natalo siya.

Pinakamaganda na pagmasdan mabuti ang pamumustura ni Mane. Maigi na salain siya upang hindi siya ang maging Grace Poe ng puwersang demokratiko. Mas mabuti kung pipigilan siyang tumakbo sa 2022. Hindi karapat-dapat si Mane.

***

HNDI namin alam kung paano makikipagpaligsahan ang Dito Telecommunity, ang pangatlong telco, sa dalawang higanteng kalaban – PLDT Group at Globe Telecom. Nakatakdang ilunsad ang DitoTel sa ika-8 ng Marso, o tatlong araw mula ngayon. Ilulunsad ang kanilang serbisyo sa mga piling lugar sa Mindanao at Kabisayaan. Wala pa sa Luzon at mukhang sa isang taon pa bago makikipagpukpukan.

Hawak ng China Telecom, pambansang kumpanya ng China sa telekomunikasyon, ang 40 porsiyento ng puhunan ng DitoTel, samantalang hawak ang mas malaking bahagi ng grupo ng pinapaborang negosyante Dennis Uy. Dahil sa puhunang Intsik, tinitingnan ang DitoTel bilang banta sa pambansang seguridad. Pinangangambahan nakikinig ang China sa mga pag-uusap at talastasan sa pamamagitan ng DitoTel.

Samakatuwid, hindi tinitingala ang DitoTel na isang matinong kumpanya na makakapaghatid ng matinong serbisyo sa talastasan ng mga mamamayan. Hindi hangad na magbigay ng tamang serbisyo upang kumita ng maaayos. Pangamba at takot ang nasa likod ng DitoTel. Paano malalampasan ang kaba sa kanilang serbisyo ay isang tanong na sila ang makakasagot.

***

MGA PINILING SALITA: “Sa totoo lang sir, nanliliit kami sa kahihiyan tuwing naririnig namin ang mga basurang salita na galing sa bunganga mo.” – Jun Urbano, aka Mr. Shooli, netizen

“Guys, who strut the corridors of power, keep on endorsing Sinivac. But they’re not having it. A vaccine is a public trust. No way… Unless Duterte and acolytes like Duque and Roque have it publicly, it won’t be accepted. Public trust is a must. This is the unequivocal challenge.” – PL, netizen

“Noon, nagsasalita ang spokesman para malaman ang takbo ng bayan. Ngayon, mas mabuti huwag magsalita dahil nakakagulo lang siya.” – Johnny Angelez, netizen

“The national government has incurred total debts of P2.74 trillion in 2020. This is the biggest borrowings of the national government for a single year. We have yet to know how much of the amount was used to sustain the 2020 national budget and the budgetary requirements of Bayanihan Act 1 and 2, two laws which Congress enacted to meet the pandemic. By the way, the amount is twice bigger than what the PNoy government had borrowed for the entire six years of incumbency (2010-2016). The government of the madman could be properly judged as fiscally irresponsible and ignorant – by all means.” – PL, netizen

The post Limitado si Mane appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Limitado si Mane Limitado si Mane Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.