Facebook

4 na medical schools, pinayagan ni Isko na mag-face-to-face classes

BUNGA ng mahalagang papel na ginagampanan ng medical profession at allied healthcare services sa gitna ng pandemya, inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng limited, face-to-face classes sa apat na medical schools at nag-alok din ng free swab testing para sa mga estudyante kung kinakailangan.

“Una, di natin maa-afford na isang taon na wala tayong ma-produce na doctors, nurses at allied colleges of medicine sapagkat ‘yung ibang subject ng magdodoktor at nurse ay kailangan na pumasok sila physically at di makaka-graduate pag hindi ito ginawa,” ayon kay Moreno.

“They are our future medical frontliners so naturally, in their hearts and minds, alam nila how not to get infected… they know the worst case scenario,” dagdag pa nito.

Ang pagsangayon ng alkalde ay matapos ang isinagawang meeting sa mga kinatawan ng Chinese General Hospital Colleges, Manila Theological College – College of Medicine, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine at ng Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences.

Nakita ni Moreno ang pangangailangan na tumaas ang bilang ng mga medical practitioners sa hinaharap kung kaya inaprubahan niya ang kahilingan ng mga nasabing medical schools at pinagtitiwalaan nya rin ang mga ito na titiyakin na ligtas at sumusunod sa itinakdang safety protocols ang mga apat na medical schools.

Nabatid na ang Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences na kinatawan ni Vice President Remedios Habacon at PLM ay kapwa nag-request ng gradual opening para sa kanilang clinical clerkship program.

Ang Manila Theological College – College of Medicine ay nag-request naman ng limited, in-hospital duty sa Tondo Medical Center para sa kanilang 4th year medical students.

Ang Chinese General Hospital Colleges ay nag-request na ibalik ang hands-on, pre-clinical training and clinical rotation sa campus laboratory and hospital para sa kanilang mga estusyante na nasa ilalim ng programang: Doctor of Medicine, BS Nursing, BS Medical Technology, BS Radiologic Technology and BS Physical Therapy.

Nauna dito ay pinayagan na ni Moreno ang University of Santo Tomas at Centro Escolar University na magsagawa ng face-to-face classes at clinical training or internship bilang tugon sa pangangailangan ng mga doctors, nurses at iba pang medical professionals.

Ang approval sa panukalang gradual reopening ng clinical clerkship program ng PLM–College of Medicine sa Ospital ng Maynila Medical Center ay in full compliance sa Joint Memorandum Circular No. 2021-001 na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) at the Department of Health (DOH). (ANDI GARCIA)

The post 4 na medical schools, pinayagan ni Isko na mag-face-to-face classes appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 na medical schools, pinayagan ni Isko na mag-face-to-face classes 4 na medical schools, pinayagan ni Isko na mag-face-to-face classes Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.