Facebook

Mahigpit na community quarantine measures, ipatupad — Bong Go

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad na ipatupad ang mahigpit na mga alintuntunin o community quarantine protocols para makontrol ang muling pagdami ng COVID-19 cases sa ilang lugar.

“Kailangang higpitan muna natin ulit ang mga patakaran. Maraming nagkukumpyansa masyado. Kailangan maitigil ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, lalo na sa NCR, upang hindi bumagsak ang ating health care system,” sabi ni Go, chair ng Senate Committee on Health.

Gayunman, sinabi ni Go sa mga kinauukulan at health experts na balansehin ang pagpoprotekta sa buhay ng mga tao mula sa banta ng COVID-19 ngunit tinitiyak na hindi maapektuhan ang mga esensyal na public services at industriya.

“Natuto na dapat tayo sa pinagdaanan natin noong nakaraang taon. Naranasan na natin — nag-ECQ na tayo noon, nakailang pagsasara na tayo ng negosyo, nakailang pagtigil na tayo ng trabaho. Kung babalik tayo sa mas mahigpit na patakaran, gawan natin ng paraang hindi masyado mahirap para sa ating mga kababayan,” sabi ni Go.

“Ang importante ngayon, mailigtas natin ang buhay ng mga Pilipino dahil malaki na ang tinaas ng kaso ng nagkakasakit. Kailangan mapigilan ito habang patuloy ang ating pagbabakuna,” sabi niya.

Hiniling din ni Go na ang mga mass gatherings ay pansamantalang ibawal at hinimok niya ang ilan na mag-work-from-home muna.

“Iwasan rin muna natin ang mga bisita sa bahay. Limitado lang dapat sa iilang katao ang ating nakakasalamuha para maproteksyunan ang ating pamilya at hindi magkahawahan,” sabi ng senador.

“Ako po’y nakikiusap sa mga kababayan natin. Huwag tayong magkumpiyansa. Follow health protocols, social distancing, mask, face shield, hugas ng kamay. Kung hindi naman kailangan, huwag munang lumabas ng inyong pamamahay, delikado pa po.”

“Huwag tayong maging kampante. Disiplina po ang kailangan dito ng bawat Pilipino. Sumunod tayo sa gobyerno habang nag-uumpisa tayo sa pagbabakuna. Napatunayan naman po na ‘pag nag-mask, face shield, social distancing, at hugas ng kamay — napatunayan na higit 90% po na hindi po magkahawahan,” aniya. (PFT Team)

The post Mahigpit na community quarantine measures, ipatupad — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mahigpit na community quarantine measures, ipatupad — Bong Go Mahigpit na community quarantine measures, ipatupad — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.