NANGANGAMOY kampeonto na para sa Davao Occidental Cocolife Tigers
Dinaig ng south division champion Davao ang north at defending national titlist San Juan Knights 66-58 sa krusyal na game three ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup finals sa Subic bubble, SBMA, Olonggapo City kamakalawa.
Naitakas ng Tigers ang panalo matapos ang nagbabagang rally ng Knights mula sa 14 na kalamangan ng Mindanaons ay naidikit ng San Juan ang laban tampok magkakasunod na tres nina John Wilson at Orlan Wamar kaagahan ng pinal na yugto.
Gumanti naman sina Tigers Joseph Terso at Kenneth Mocon ng puntos beyond the arc upang mapigil ang balak ng Knights na agawin ang panalo.
Determinadong maka-resbak sa kanilang Datu Cup tormentor noong nakaraang season, di na muling pinadikit ng Davao Occidental ni team owner Rep. Claudine Bautista , manager Dinko Bautista at suportdo nina Cocolife pres.Atty Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo , VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque, para matupad ang misyong iuwi ng Tigers ang national championship sa Mindanao.
Muling bumida si Billy Robles sa kanyang 13 puntos na pinakinang ng 4 na shotblocks at kumamada si Mocon ng 11 puntos, 10 kay Bonbon Custodio, habang 7 puntos ang ambag ni Mark Yee pero ang 11 rebounds nito ang malaking tulong upang ipreserba ang panalo.
Bumira naman ng 16 puntos ang frontliner ng San Juan na si Mike Ayonayon para sa kanilang losing cause.
“Sobrang saya namin kasi nasunod ang gameplan na idinisenyo ng ating coaching staffs. Isa na lang sa atin na kaya tiyak na mas agresibo pa ang ating Tigers sa next game para mission accomplished.” pahayag ni deputy team manager Ray Alao na nagpahayag ng pasasalamat sa lubos na suporta ng Davao Occidental management katuwang ang Cocolife.
Dagdag motibasyon naman si basketball operation head Bong Baribar na itodo na nang Tigers ang lahat para sa kanilang fans sa Mindanao maging sa Visayas at Luzon at huwag nang bigyan ng pagkakataong makaahon ang mapanganib na kalabang San Juan.(Danny Simon)
The post DAVAO COCOLIFE TIGERS ANGAT SA GAME 3 NG MPBL NAT’L FINALS VS SAN JUAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: