Facebook

Folayang vs Japanese-Korean Akiyama sa battle of veterans

NAKATAKDANG muling aakyat sa circle ang Team Lakay veteran na si Eduard Folayang laban sa seasoned Japanese-Korean fighter Yoshihiro Akiyama sa kanilang lightweight class sa ONE on TNT lV sa Singapore Indoor Stadium sa susunod na buwan.
Inanunsyo ng Team Lakay ang development sa kanilang Facebook page Sabado ng gabi.
Ang 36-year-old Folayang ay huling sumabak sa ONE Championship nakaraang October, na lumasap ng pagkatalo sa kamay ni Antonio Caruso ng Australia sa ONE.Inside the Matrix.
Si Caruso ay umiskor ng unanimous decision sa kanyang unang tagumpay sa Singapore-based promotion tungo sa overall 8-1 rekord.
Buhat noong Marso 2019, Folayang ay mayroon lang isang panalo mula sa kanyang huling limang laban, Ang huling tagumpay ay galing sa Mongolian Tsogookhuu Amarsanaa. nabigo siya kina Shinya Aoki ng Japan,Eddie Alvarez ng US,Pieter Buist ng Netherlands at Caruso.
Laban kay Akiyama, na bumaba ng timbang mula sa welterweight division, ay makakaharap ni Folayang ang 45-year-old UFC veteran may hawak na 15-7 rekord.
Akiyama na Japanese of Korean descent, ay tumagal ng apat na taon sa mixed martial arts bago tumalon sa ONE sa 2019. bitbit ang 1-1 card sa Singaporean-based promotion.
Makakasama ni Folayang ang teammate at ONE newcomer Stephen Loman, ang pinakamatagal na reigning champion sa BRAVE Combat Federation, sa parehong card.
Nakatakdang makasagupa ni Loman ang No.1 bantamweight contender John Lineker, dating UFC fighter na tumalo kay Team Lakay Kevin Belingon nakaraang November.
Main event sa TNT on TV lV ay ang light heavyweight title bout sa pagitan ng kasalukuyang champion Aung La N Sang at Vitaly Bigdash sa April 29

The post Folayang vs Japanese-Korean Akiyama sa battle of veterans appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Folayang vs Japanese-Korean Akiyama sa battle of veterans Folayang vs Japanese-Korean Akiyama sa battle of veterans Reviewed by misfitgympal on Marso 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.