NGAYONG panahon ng pandemya, mahalaga ang pagtutulungan o bayanihan.
Kaya sa gitna ng dagok sa ekonomiya ng ating bansa bunsod ng pagdami ng kaso ng COVID-19, nakatutuwang isipin na buhay na buhay pa rin ang tinatawag na “bayanihan spirit.”
Paano, sa pamamagitan nito’y nagkakaisa ang mga simpleng mamamayan at mga maiimpluwensiyang tao sa ating lipunan.
Halimbawa na lamang d’yan ay ang “Bayanihan Fund” na kung pagbabatayan ang infographics ng CNN ay tinatayang mahigit P8 bilyon ang bumuhos dito.
Nanguna sa mga nag-ambag dito ang Jollibee ni Tony Tan Caktiong, Araneta Group, San Miguel Corporation (SMC) ni G. Ramon Ang, Andrew Tan, Ayalas, Lopez Group, Resorts World, Okada, City of Dreams, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Udenna Group ni Dennis Uy, Vista Land ni Manny Villar, Aboitiz Group, Metrobank, Gokongweis, SM Group, Manny Pangilinan, at iba pang mga kilalang personalidad.
S’yempre, maliban sa mga nasabing bilyonaryo ay hindi nagpahuli sa pagbuhos ng tulong ang “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacquiao.
Si Pacquiao ay dati ring mahirap kaya hindi nakapagtatakang ramdam niya ang pangangailangan ng mga kababayan sa ganitong sitwasyon. Bukas-palad itong ginagawa ni Pacman lalo na para sa mga nawalan ng trabaho ngayong krisis.
Tinatayang halos P1 bilyon ang naitulong ni Pacquiao at pangalawa ito sa may pinakamalaking naitulong sa coronavirus crisis.
Kapansin-pansin na tanging si Pacquiao ang opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng mga nabanggit na donors.
Nakalulungkot isipin na marami naman sana tayong mayayamang politiko sa bansa ngunit tila nawawala sila sa mga panahong kailangan sila ng gobyerno at ng mga mahihirap na mamamayan.
***
PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!
The post Bayanihan kontra pandemya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: