UPANG higit na makapagserbisyo sa pangangailangan ng mga constituent ay pinagtuunan ng bagitong KONSEHALA ang kalusugan ng mga empleyado sa kanilang pamahalaang lungsod partikular ngayong may pandemya na dulot ng COVID-19.
Inihain ni QUEZON CITY 1st DISTRICT COUNCILOR NICOLE ELLA “NIKKI” CRISOLOGO ang resolusyong magpapahintulot at magraratipika sa kontratang pinasok ng QC GOVERNMENT na nirerepresenta ni MAYOR JOSEFINA ‘JOY” BELMONTE at ng UNITED COCONUT PLANTERS LIFE ASSURANCE CORPORATION na naglalayong makapagbigay ng MEDICAL CARE para sa QC HALL OFFICIALS at EMPLOYEES sa ilalim ng plantilla positions. Ang naturang kontrata ay nabuo sa pagitan ng QC GOVERNMENT at COCOLIFE na nirepresenta ng kanilang EXECUTIVE VICE PRESIDENT FRANZ JOIE ARAQUE
Inihayag ni COUN. CRISOLOGO na kinakailangan aniya ang HEALTH CARE MANAGEMENT PROGRAM na maipagkaloob sa mga QC OFFICIAL at EMPLOYEES upang higit na makapagserbisyo ang mga ito para sa kalidad na pamumuhay.
Ipinunto nito na base sa Section 45 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991 ay nagsasaad na ang City Mayor ang siyang kakatawan sa lungsod sa lahat ng business transactions at lalagda sa lahat ng mga kontrata, bonds at obligations gayundin sa mga dokumento na igagawad ng SANGGUNIANG PANLUNGSOD.
“Nagpapasalamat po ang lahat ng empleyado sa timely na batas na ito sa pagitan ng cocolife & QC Government dahil malaki po ang maitutulong nito sa mga opisyal at kawani ng QC Hall. Lalo na ngayon at ang bansa pa rin natin ay nakakaranas ng Pandemia,” pahayag ni COUN. CRISOLOGO.
***
PAGING CONG. ERIC YAP…
Paki ARYA mo nga sa column mo MR IRWIN CORPUZ itong magaling na ACT Ci…
Mr cCorpuz pakisundot nga sa column mo tong magaling na Cong Eric Yap kung bakit nya inalis budget ng 20l8 Pension Differential ng mga retirado na nagserbisyo sa bayan baka di nya alam ginagawa nya mga tulog na mandirigma ito wag na nyang gisingin ala eh syaaa
…from ARYA TEXTER +63918421…
***
LAHAT NG TAO DAPAT MA-TEST — PRC
Bilang paniniyak na makokontrola at hinde na kakalat pa ang COVID-19 ay ipinunto ni PHILIPPINE RED CROSS (PRC) CHAIRMAN/ SENATOR RICHARD GORDON na kakailanganing ma-test ang lahat ng tao upang ang mga asymptomatic ay maagapang huwag nang makapanghawa pa.
“Dapat talaga atupagin ng gobyerno ‘yan at atupagin ng tao na sila ay ma-test. Sapagkat kung hindi sila matest, manghahawa sila kung sila ay may sakit. At kung sila ay mai-test, maililipat sila sa magandang lugar na magagamot sila, pipiliting pagalingin sila, at marami namang gumagaling,” pahayag ni SEN. GORDON.
Aniya, sa 10 COVID-19 CASES ay 8 sa mga ito ang asymptomatic na nangangahulugang hinde sila mapagkakamalan tulad ng mga Overseas Filipino Workers na bago sila sumakay ng eroplano pabalik sa ating bansa ay nasuri na sila at wala namang taglay na virus…, subalit paglapag ng eroplano rito sa ating bansa at muli silang isalang sa test ay positibo sa virus ang nagiging resulta sa mga ito.
Mula nang inilunsad nitong nakaraang buwan ang PRC ay nakapagproseso na ng halos 24,000 SALIVA SAMPLES gamit ang RT-PCR MACHINES sa kanilang MOLECULAR LABORATORIES sa buong bansa.
“Kailangan po lalo pa nating pa-iigtingin ang ating testing, and kailangan naman po ay talagang pabilisin natin ang pagpapalaganap nitong mga Saliva Test,” pahayag naman ni COVID-19 TESTING CZAR VINCE DIZON kasunod ang pagpupunto nito na dumarami ang local cases ng COVID-19 VARIANTS na unang nadetect sa SOUTH AFRICA at sa UNITED KINGDOM; kung saan ay 2 mutations of concern ang nadetect na sa CENTRAL VISAYAS.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Medical care sa QC employees appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: