Facebook

Mga basurero ‘di pinasusuweldo ng milyonaryang negosyante

SA pandemyang dinaranas ngayon ay higit na pighati ang kinasuungan ng mahigit sa isandaang mga trabahador na tagahakot ng mga basura sa MAKATI CITY at sa QUEZON CITY.

Mula pa umano noong March 2020 ay hinde napapasuweldo ang mga trabahador ng EC SARROL INC na dahil kailangan ng mga trabahador ang kanilang suweldo upang magamit ng kanilang pamilya ay pilit silang naghintay at tinungo pa ng mga ito ang tirahan sa sinasabi nilang may-ari ng naturang kompanya na si MS. GLORIA SARROL sa PASCUA ST., MENDOZA, BRGY. KASILAWAN, MAKATI CITY.., pero ang masaklap ay sila pa umano ang ipinapulis.

Sa mga ganitong sitwasyon ay hindi ko lubos maisip kung paano nasisikmura ng ilang mga negosyante na matapos nilang pakinabangan ang mga trabahador ay hinde man lamang ibigay ang suweldong dapat para sa mga trabahador.

May ilang mga trabahador ay 18-taon na sa pagtatrabaho sa naturang kompanya, na umano’y sa tuwing susuweldo sila ay kinakaltasan din umano sila ng SSS, PAG-IBIG at iba pang mga deduction.., pero hinde naman daw nireremit sa kaukulang mga ahensiya.

Aba, matinde pala itong si MS. SARROL .. o dapat palang apilyedo nito e ASSAROL na panghalukay ng lupa para sa taniman, na itong negosyante e yung pinaghirapan ng kaniyang mga trabahador naman ang mistulang ina-asarol nito.

Ang siste pa, ang mga truck ng naturang kompanya ay walang mga plaka at siyempre siguradong walang rehistro.., na ang pinakatsapa ng kanilang mga truck ay ang logo ng QUEZON CITY GOVERNMENT at ang nakabalandrang mukha siyempre ni MAYOR JOY BELMONTE.., na ang garahian ng mga truck ay nasa DOÑA NICASIA SUBD, COMMONWEALTH AVE, QUEZON CITY.., pero nang i-research.ko ang naturang address ay nakapangalan sa WINSON HAULING SERVICES?

Panawagan ng mga trabahador sa kanilang EMPLOYER na si MS. ASSAROL na pasuwelduhin na sila…, teka, kung may makataong-puso po kayo MS. ASSAROL e hinde na dapat pang dumanas ng ganiyan ang mga trabahador kundi kusa niyong ibigay na dapat at kung kinakaltasan ninyo sila e dapat iremit ninyo sa kaukulang government agency.., at hinde iyong ginagamit mo sa pansarili mong mga pagkakagastusan.

Ang negosyanteng ito kung nagsisimba pa e bibilib na ko sa kapal ng dibdib nito dahil hinde nakokonsensiya sa ginagawa sa mga trabahador.., o baka yung pampasuweldo e kay FR. MANNY FERA na lang niya ibinibigay para may mamamagitan sa kaniya na tanggapin pa rin siya nI JESUS CHRIST sa araw ng paghuhukom.

PAGING MS. ASSAROL.., itama po ninyo ang inyong pagnenegosyo at ibigay na ninyo ang suweldo ng mga trabahador ninyo at kung isusumbat ninyo sa ARYA na hinde man lamang kinuha ang inyong panig ay siguradong magkakaganun nga at tiyak na hinde rin ninyo haharapin ang ARYA…, kaya sa pagkaka-kolum ngayon sa panawagan ng inyong mga trabahador ay dapat na umaksiyon agad kayo sa pangangailangan ng inyong mga trabahador.

Marami pa pong mga inilahad sa ARYA ang inyong mga trabahador.., kaya kapag hinde po ninyo inayos ang mga obligasyon nyo sa pagnenegosyo ay papaksain natin sa sunod na kolum ang mga luhong inyong tinatamasa kapalit sa ginagawa ninyong pagpapahirap sa mga pobreng tagahakot ng mga basura!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Mga basurero ‘di pinasusuweldo ng milyonaryang negosyante appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga basurero ‘di pinasusuweldo ng milyonaryang negosyante Mga basurero ‘di pinasusuweldo ng milyonaryang negosyante Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.