
PATAY ang isang miyembro ng sindikato nang manlaban sa buy bust operation sa Bacolod City, Negros Occidental, Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Aljhon Cabalhin alias “Jimboy” na sangkot sa operasyon ng iligal na transakyon ng mga baril, hold up, gun for hite, carnapping, motornaping at kidnapping sa area ng Negros Occidental.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, direktor ng PNP AKG, 3:00 ng madaling nang magsagawa ng buy bust ang mga elemento ng AKG sa Man Ville Subd., Brgy. Pahanocoy, Bacolod City.
Sa report, may standing warrant of arrest si Cabalhin sa kasong Frustrated Homicide na ipinalabas ng Bacolod City RTC Branch 7.
Nakuha kay Cabalhin ang 1 cal 45, magazine na mayroon 5 bala at cal 380 pistol. (Mark Obleada)
The post Miembro ng sindikato patay sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: