Facebook

Titser ng NPA nagbaliw-baliwan para makatawid sa checkpoint

ARESTADO ang isang guro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpanggap na baliw sa checkpoint sa bayan ng Allacapan, Cagayan nitong Huwebes.
Kinilala ng Allacapan-PNP ang nabistong rebelde na si alyas ‘Gian’, residente ng Barangay Barsat, Baggao, Cagayan, at kumikilos umano sa mga bulubundu­king bahagi ng Flora, Apayao.
Ang pagkabisto kay alyas ‘Gian’ ay nang positibong makilala ito ng isang dating rebelde na unang sumuko sa pamahalaan.
Ayon sa dating rebelde, si alyas ‘Gian’ ay nagsilbing guro ng mga rebeldeng hindi marunong magbasa at magsulat bilang bahagi ng pagsasanay sa loob ng kilusan noong March 2005 sa Apayao.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng pulisya ang nadakip na rebelde habang isinasailalim sa pagsisiyasat.

The post Titser ng NPA nagbaliw-baliwan para makatawid sa checkpoint appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Titser ng NPA nagbaliw-baliwan para makatawid sa checkpoint Titser ng NPA nagbaliw-baliwan para makatawid sa checkpoint Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.