Facebook

Look who’s talking DILG Usec. Densing!

Oops teka muna DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

Baka naman nag-o-over react ka sa pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pagbabakuna sa actor ng si Mark Anthony Fernandez sa lungsod ng Paranaque.

Dahan-dahan lang ang pagturo ng sisi kay Mayor Edwin Olivarez na siyang may kasalanan sa nangyaring pagbabakuna nga dito kay Fernandez.

Unang-una Usec. Dansing, walang sinabi ang Pangulong Duterte na magturo ka ng taong may kasalanan.

Malinaw na tagubilin ng Pangulo ay magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ang ano mang sangay ng pamahalaan patungkol sa tila mali sa pagsunod sa priority protocols ng gobyerno sa mga babakunahan at alamin ang naging puno’t dulo ng pagkakamaling ito.

Malinaw Usec. Dansing ha!

Pero ang ginagawa mo sa iyong press release, nag-grandstanding ka para magpapansin!

At para ka mapansin at magrehistro sa mainstream media ang iyong nananamihik at inaamag na pangalan ay “you jump into a conclusion in saying it was command responsibility of Mayor Edwin Olivarez” kung bakit nakapagpabakuna ang aktor na si Fernandez.

Without lifting a finger to conduct a thorough investigation,wow talaga!

Para lang kape, INSTANT!

Again, ang sabi ng Pangulong Duterte, alamin ang puno’t dulo ng nangyari at sikaping mabatid ang katotohanan, hindi magturo ng sisi kara-karaka.

I understand you Usec. Dansing sir, this is your best opportunity to land your face in the news. Other than these chances, wala ka nang makikita pang ibang pagkakataon na makilala ng publiko!

Pero sana, wag in the expense of Mayor Olivarez na isang hardworking and dedicated local executive and head of the Metro Manila Commission.

Sino ka ba Usec. Dansing kumpara sa masipag at mapag-arugang alkalde na si Kuya Edwin Olivarez na ginagawang araw ang gabi,makapaghatid lamang ng serbisyo hindi lamang sa kanyang mga constituents sa Paranaque kundi sa buong mamamayan ng Metro Manila in his capacity as chairman ng MMC?

Again I don’t have anything against you Usec. Dansing sir, ang hindi ko lamang nagustuhan para sa personal kong panananaw kahit pa nga sabihin mo pa nang naging RUDE ang obserbasyon ko sa ginawa mo, “nagtake advantage ka ng oportunidad na mapansin ng media at ng publiko in the expense ng nangyari sa Paranaque City to gain media milage”.

Wala na kasi akong makita pang lohikal na rason para gawin mo ang isang “very irresponsible press release” laban sa isang matino at mabuting tao gaya ni Mayor Olivarez.

Sana man lamang, nag-utos ka ng isang masusing imbestigasyon bago ka nagpupuputak na parang inaheng manok na mangingitlog.

Hindi ka naman spokesperson ng DILG and being assigned as OIC of DILG did not give the right or privilege na maging judgemental without conducting a legit inquiry of what really transpired sa pagbabakunang naganap.

Ngayon ngang mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra na ang nagsasabi na “ no provision under vaccine law to punish those who skip priority list”, saan pupulutin ngayon ang iyong pinagsasabi sa media?

Anong batas ang na-violate ni Mayor Olivarez sa pagbibigay ng bakuna sa aktor na si Mark Anthony Fernandez?

Kaya mo bang suspendihin si Mayor Olivarez nang walang nagagawang kasalanan?

I highly doubt it Usec. Dansing!

Pabalik na sa kanyang puwesto si Sec. Ano in a matter of days kaya back to your spare tire portfolio ka na naman dear Usec diyan sa DILG.

Tsaka nagulat ang maraming taga-media kung bakit si Usec. Dansing ang humarap sa kanila samantalang SOP na sa DILG at kay Sec. Ano na ang spokesperson ng DILG na si Usec. Jonathan Malaya ang humaharap at nagbibigay ng pahayag sa media.

Si Secretary Ano kasi, di matakaw sa publicity, trabaho lang ito nang trabaho!

Sorry to say that we can not say the same dito kay Usec. Dansing!

Again Usec. Dansing personal na pananaw ito ng isang abang mamamahayag na may lehitimong karapatang punahin ang isang public servant na pinapasahod at pinalalamon mula sa taxes na ibinabayad ng mamamayan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Look who’s talking DILG Usec. Densing! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Look who’s talking DILG Usec. Densing! Look who’s talking DILG Usec. Densing! Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.