Facebook

MTPB sa kalye Lavezares-Fundidor P200 per aregalo

Gud pm ho. Concern lang ho ako d2 sa mga rider na dumadaan sa kalye ng Lavezares corner ng Fundidor. Kc sa kaperasong kalye na eto ay one-way kaya pagdating ng alas 2pm ay nakapuwesto na itong si MTPB Sabiaga at Sarabia. At araw2 na ginawa ng Diyos puro areglo lang, wala nang ticket. Araw araw po yan, at ang pinakababa na areglo 200 pesos. Hanggang alas 6pm ho yan. Sana ho makarating eto kay Yorme. Sa tapat lang ho ito ng pinapasukan ko. Paki tulong ho. – Concern ctzen

Suporta ng mga guro sa Mindanao
kontra insurhensya
Saludo sa mga guro at mga magiging guro sa hinaharap mula sa PNU-Mindanao sa kanilang pagtangkilik sa programa ng gobyerno para wakasan ang insurhensya. Ang kanilang pagpapahayag ng suporta ay magandang halimbawa para sa iba pang mga unibersidad at ahensiya na makiisa at makipagtulungan upang tuluyan nang mawala ang takot na makahikayat pa nang mga kabataang humawak ng armas at maudyukang mamundok. Ang pakikipag ugnayan ng unibersidad ay malaking suporta bilang tumatayong pangalawang magulang ng mga kabataan sila ay may direktang impluwensya para hubugin ang mga kabataan bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa sa halip na pagkakawatak watak. Ang kampanya ng pwersa ng pamahalaan laban sa insurhensya ay hindi magtatagumpay kung hindi susuporta at makikiisa ang sambayanan kaya napapanahon ang pakikipag- ugnayang ito ng PNU para sa kinabukasan ng mga kabataang kanilang pinapatnubayan. Sana marami pang mga sumunod para sa ikatatagumpay ng programang ito ng gobyerno. – Aries

The post MTPB sa kalye Lavezares-Fundidor P200 per aregalo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MTPB sa kalye Lavezares-Fundidor P200 per aregalo MTPB sa kalye Lavezares-Fundidor P200 per aregalo Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.