IBINUNYAG ni Anakalusugan Party List Representative Michael Defensor na hindi inilipat sa pondong pambili ng COVID-19 vaccine ang P20 bilyon na kinaltas sa pension and gratuity fund ng mga pulis at sundalo.
Ito ayon kay Defensor ay dahil nananatili sa P2. 5 bilyon ang nakalaang pondo sa pagbili ng bakuna sa ilalim ng 2021 national budget.
Nagsisinungaling aniya si ACT CIS Party List Representative Eric Yap na unang nagsabing idadagdag sa pondong pambili ng bakuna ang ibinawas na pension and gratuity fund dahil ang P20 bilyon ay ginawang pork barrel fund o pondo para sa mga imprastruktura.
Sa ginawang pulong ng bicameral conference committee nasa P182 bilyon ang umano’y ginalaw na pondo ng mga Kongresista.
***
Samantala hinimok naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan sa Kamara na imbestigahan ang naganap na pagbawas sa pension fund ng retired uniformed personnel sa ilalim ng 2021 GAA.
Kasunod ito ng rebelasyon ni ANAKALUSUGAN Rep. Mike Defensor sa kanyang privilege speech na mayroong P20 billion na pondo para sa pension at gratuity fund ng retired uniformed personnel ang nawala sa national budget.
Ayon kay Rodriguez, kahalintulad ito ng nangyari sa 2019 budget kung saan naaprubahan at na-ratify na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang pambansang pondo ngunit nang i-imprenta ay biglang may mga budget na nawala.
Batay sa isiniwalat ni Defensor, nagulat umano ang DBM na nabawasan na ang pondo para sa pension at gratuity fund sa nilagdaang 2021 GAA ng Pangulong Duterte.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post P20-bilyon na kinaltas na pension and gratuity fund sa mga sundalo at pulis? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: