VIRAL ngayon ang pagkadismaya ng isang netizen sa isang police officer na nakamotosiklo subali’t hindi tama ang helmet na suot nito.
Ang angkas ng officer, nakasuot din ng helmet, pero baligtad ang pagkakasuot na nasa likod ang visor imbes na nasa harap ng mukha.
“Naranasan ko na mahuli ng sub-standard helmet, pero baket kayo ‘di nahuhuli? Nasa C-5 kayo, bike helmet suot mo, chief, tapos back ride mo baliktad helmet,” post ng netizen na si Von Joshua Capistrano sa Facebook.
Umabot sa mahigit pitong libo ang nagbigay ng reaksyon sa post niya at mahigit 11,000 beses itong nai-share.
Ang ginawa ng PNP officer ay isang paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 10054 na nag-aatas na ang motorcycle riders ay dapat nakasuot ng standard protective motorcycle helmet kapag nagmamaneho.
Dapat ang helmet may marka ng Philippine Standards (PS) o ng Import Commodity Clearance ng Bureau of Product Standards.
Ganito ang nakasaad sa Section 3 ng R.A. 10054: Mandatory Use of Motorcycle Helmets – All motorcycle riders, including drivers and back riders, shall at all times wear standard protective motorcycle helmets while driving, whether long or short drives, in any type of road and highway.
Ang exempted sa batas na ito ang tricycle drivers lamang.
Ang unang paglabag ay may multang P1,500; P3,000 sa ikalawa; P5,000 sa third offense; at P10,000 at kumpiskasyon ng driver’s license sa pang-apat na violation.
The post Pasaway na pulis naka-helmet na pang-bisikleta appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: