Facebook

9 miembro ng ‘Gay kidnapping group’ timbog sa Las Piñas city

Arestado ang siyam na miyembro ng ‘Gay kidnap for Ransom Group ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PMP AKG) sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Anfernee Joshua Casil, Jomari Pamaranglas, Vincent Karl Suero, Ewald Tacalan, Disney Camacho, Kevin Mark Castillo, Joenel Roselio, Jaypee Roselio at Ostin Callejo.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Dir PNP AKG, 11:30 ng gabi ng magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng AFK Luzon Field Unit sa Lot 5, Block 11, Eco Trend Villas, Las Piñas City.
Ang operasyon base sa reklamo ng isang Mr. Cheng Zhijhang sa pagkidnap sa isang Cheng Zhijhang.
Sa ulat, makikipagkita ang biktima sa isang babae sa GMA, Cavite na nakilala sa ‘Tan Tan Online Dating Apps’ ng kidnaping ng mga suspek.
Ayon sa report, nilangay ang biktima ng piring ang mata at tinalian ang mga kamay at dinala sa di nabatid lugar. Binugbog at kinuha ng mga suspek ang daladalang P12,000 nito.
At sapilitan pinatawagan ng mga suspek sa biktima ang kanyang kamag-anak upang magpadala ng P500,000 kapalit ng kanyang kalayaan.
Nang makuha ng mga suspek ang ransom money, pinalaya ang biktima noong March 18, 2021.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP AKG habang sumsailalim sa imbestigasyon at paghahanda sa kaukulang kaso.
(Mark Obleada)

The post 9 miembro ng ‘Gay kidnapping group’ timbog sa Las Piñas city appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
9 miembro ng ‘Gay kidnapping group’ timbog sa Las Piñas city 9 miembro ng ‘Gay kidnapping group’ timbog sa Las Piñas city Reviewed by misfitgympal on Marso 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.