NAGLUNSAD na ng manhunt operations ang pulisya laban sa Communist Terrorists Group (CTGs) na nanambang sa mga pulis na ikinamatay ng lima at pagkasugat ng dalawa pang operatiba.
Ipinag-utos ni PNP OIC, Lt.Gen. Guillermo Eleazar, ang manhunt operations laban sa mga komunistang NPA.
Inatasan ni Eleazar sina PRO-4A Regional Police Director BGen. Felipe Natividad at PRO-5 Regional Police Director BGen. Bartolome Bustamante na makipag-ugnayan sa kanilang AFP counterpart para sa hot pursuit operations laban sa NPA.
Sinabi ni Eleazar na ang ginawang pag-ambush ng NPA sa mga sundalo ay patunay na wala talagang balak ang communist movement na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Mariing kinondena ni Eleazar ang pag-ambush sa mga pulis, nagpa-abot din ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing pulis.
Siniguro ni Eleazar na lahat ng tulong ay ibibigay ng PNP sa mga pamilya ng nasawing pulis.
Biyernes ng gabi nang tambangan ng NPA ang pitong miyembro ng 2PFMC sa Barangay Dumagmang, Labo na nagresulta ng tatlong oras na sagupaan sa bisinidad ng construction project sa Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Roger Estoy, Patrolmen Joey Cuarteros, Benny Ric Bacurin, Jeremy Alcantara at Alex Antioquia, at ang mga sugatan ay sina Corporal Eric Hermoso at Patrolman Aldrin Aguito.
Sa report, nagpapatrolya ang mga pulis 9:45 ng gabi nang tambangan ng mga rebelde.
Ayon sa ulat, na-deploy ng 7- man team ng PMFC sa Purok 6, Brgy. Dumagmang upang bantayan ang construction project matapos makatanggap ang construction company ng demand letter mula sa CPP-NPA na humihingi ng 3% hanggang 5% ng kabuuang kita ng mga ito sa Labo-Tagkawayan Road Project at kung hindi ay isasabotahe ang nasabing proyekto, susunugin ang gamit na mga heavy equiptment ng kumpanya na aabot sa milyong halaga .
Sinabi ni Eleazar na tumanggi ang contractor ng proyekto na magbigay ng porsiyento sa halaga ng kontrata sa mga rebelde kaya’t napagdiskitahan ang mga pulis.
The post Manhunt ops vs NPA na umambus sa 7 pulis sa CamNorte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: