Yorme magandang umaga. Yung Pay Maya ng mga senior malabo ba? Wala ako natatanggap na pension at ayuda. 1 year pandemic wala ako nakuha sa SAP mula sa Brgy 297 Zone, 29. May hawak ng senior si Kagawad Caspar. Pag mag-text ako wala raw ayuda galing sa DSWD. Kawawa mga senior. Noong Feb. 14 namigay kayo ng food pack. Ako wala. Salamat po. – 09352106434
Magpabakuna na!
Ayan, mismong ang millenial favorite Mayor na ng Pasig City ang nagsabi na mas nakakarami nang mga doktor ang pinipili ang bakunang Sinovac kahit na mas gusto ng masa ang bagong dating na AstraZeneca. Marahil dala na rin ito ng mga maling pagpapalabas ng mga galit sa gobyerno. Marami nang naturukan ng Sinovac lalo na sa mga pangunahing ahensyang ng gobyernong tumutugon sa pandemya gaya ng mga ospital at ating mga kasundaluhan, hindi dahil nais silang eksperimentuhan pero dahil naniniwala sila sa gobyernong pinagsisilbihan. Gaya ng mga naunang opinyon, gagawin ang lahat ng administrasyon ang nararapat para sa kapakanan ng taong bayan, sapagkat gobyerno din naman ang babagsakan sakaling pumalpak ang bakuna. Mahalaga na suportahan ang programa ng gobyerno at iwasan ang mga bagay na magpapawatak -watak ng sambayanan dahil sa kalaunan mamamayan din naman ang makikinabang. Kaya magpa-bakuna na! – Don Antido
Mag bata sa Brgy 189, Pasay City
nasa kalye, walang facemask
Magandang araw po. Pakisilip sa Brgy 189, Pasay city. Ang mga bata pinapabayaan ng mga magulang naglalaro sa kalsada, walang face mask, pati mga kagawad ng brgy. ng nasakopan nito walang pakialam. Hindi sinisita… Sana makarating ito sa DILG at kay Mayor Emy. Maraming salamat po. – Concerned citizen
The post PayMaya ng senior sa Brgy 297, Manila, wala parin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: