Facebook

Proteksiyunan, takutin o itumba?

ALIN lang sa tatlong ito ang nakikita kong dahilan kung bakit atat si Tinyente Fernando Calabria Jr., ang int’l. chief ng Calbayog City, Samar Police, na makuha ang listahan ng mga abogado na nagtatanggol sa mga aktibista o yaong mga ni-redtag na inaresto ng gobyernong Duterte.

Nag-viral sa social media ang sulat ni Calabria Jr., sa korte na hinihingi niya ang pangalan ng mga abogado na nagtatanggol sa mga inaresto at kinasuhang aktibista.

Ang bagay na ito ay ikinabahala ng mga abogado, ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), lalo’t umabot na sa 61 ang bilang ng mga nasawing abogado under Duterte administration

Dito sa kaso ni Calabria Jr., tatlong bagay ang nakikita kong gawin niyang dahilan para makalusot sakaling magkaroon ng congressional inquiry:

Una, maari niyang sabihin na kaya nais niyang malaman ang pangalan ng mga abogado ng mga aktibista ay upang maproteksiyunan ang mga ito laban sa “liquidation squad” kontra pulahan.

Pangalawa, op kors hindi niya aaminin na ito’y upang takutin ang naturang mga abogado para hindi na depensahan ang mga aktibista pagdating sa court hearings.

At pangatlo, op kors lalong ‘di niya aaminin na ito’y upang maging madali para sa kanila ang pagmanman at pagtumba sa mga abogado ng mga aktibista.

Si Calabria Jr., ay sinibak na sa puwesto ni OIC PNP Chief, Lt. General Guillermo Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na walang katotohanan na ang ginawang sulat ni Calabria sa korte ay “pertains to the compliance from higher PNP offices.”

Ang ginawa, aniya, ni Calabria ay “part of his effort to come up with a comprehensive report on the communist insurgency situation” sa Calbayog City.

Bukod kay Calabria Jr., sinibak din ni Eleazar nitong Linggo ang hepe ng Calbayog PNP at 9 pang pulis na sangkot sa umano’y encounter na ikinasawi ni Mayor Ronaldo Aquino, kanyang driver, police bodyguard, at 2 pang pulis sa grupong nakabarilan.

Ang dalawang sasakyan na bumira kina Mayor Aquino ay mga pulis na ‘di naman nakatalaga sa Calbayog City. Ang isang napatay ay Police Captain Joselito Tabada (hepe ng Gandara, Samar) at ang isa ay mula Cebu na pawang naka-bonnet ay mahahaba ang dalang armas.

Talagang ibang klase na ang mga pulis ngayon. Mga “killer” na sa halip na protektor ng mamamayan. Tsk tsk tsk…

***

Usapang politika…

Nag-uusap na ang grupo nina Senador Grace Poe, da-ting Sen. Antonio Trillanes at dating Vice President Jojo Binay para sa pagbuo ng united oposition para sa 2022 Presidential derby.

Pinaghahandaan ng grupo ang pag-atras ni VP Leni Robredo sa pagtakbong Presidente. Kung sakali, si Grace Poe ang ikakasa at Vice si Binay, Senador naman si Trillanes.

Inanunsyo kamakailan ni Robredo na sa lokal siya tatakbo, babanggain ang Villafuerte dynasty sa CamSur. Pero open raw siya sa pagtakbong presidente.

Si Sen. Manny Pacquiao naman ay bumubuo na ng lineup ng PDP-Laban. “Out” daw si Duterte.

At si Sen. Bong Go pag kumasang presidente ay malamang si Bongbong Marcos ang Vice niya. Abangan!

The post Proteksiyunan, takutin o itumba? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Proteksiyunan, takutin o itumba? Proteksiyunan, takutin o itumba? Reviewed by misfitgympal on Marso 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.