HINGGIL ito sa lumabas na balita na lumabas sa THE MANILA TIMES na “ Oriental Mindoro Hospitals full” na nilathala nitong Marso 22.
Narito ang post ni PA Hubbert Dolor sa kanyang facebook page:
Nais ko lamang po linawin na ang naisulat na ito na lumabas sa THE MANILA TIMES ay hindi kopo nakakausap ang sumulat nito patungkol sa usaping nabanggit.
Wala rin pong interview o pag mungkahi patungkol sa isyu na ito sa inyo pong lingkod.
Ang atin pong mga pampublikong ospital ay patuloy na tumatanggap ng mga pasyente ano man ang kalagayan nito.
Maraming Salamat po!
Habang isinusulat natin ang balitang ito, wala pang tugon si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor hingil dito kung sila ba ay magsasampa ng kaso ukol sa sinasabing iresponsableng paglathala o “FAKE NEWS” ng naturang pahayagan.
Subaybayan!
BAGONG GUIDELINES SA ORIENTAL MINDORO, INILATAG
Samantala may bagong Executive Order 12 s. 2021 na inilabas ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro hingil sa bagong guidelines.
Ito ang mga bagong alituntunin:
BAWAL pumasok at lumabas ng Or. Mindoro kung galing o papunta sa NCR, LAGUNA, CAVITE, BULACAN, RIZAL at OCC. MINDORO at ibang lugar na may mataas na COVID-19 variants (maliban sa essential travels)
ESSENTIAL TRAVELERS:
– Truck drivers at helper na magdadala ng kalakal
– APOR
– ROF / OFW na dumating sa Pilipinas mula March 15
– Mag bibisitang kapamilya sa lamay o libing.
– Pasyenteng nakaranas ng emergency trauma at mga nangangailangan ng emergency medical procedure.
Kailangang makabalik sa loob ng 24 oras ang APOR na lalabas ng probinsya.
BAWAL ang mga turistang galing sa NCR, LAGUNA, CAVITE, BULACAN, RIZAL.
Kung turistang magmumula sa ibang lugar na may mataas na COVID-19 variants, kailangan ng RT-PCR / swab test (valid within 24 hrs). Ang mga turistang magmumula sa MGCQ areas na walang COVID-19 variants ay papayagang pumasok sa Or. Mindoro.
RELIGIOUS ACTIVITIES: 50% capacity
LIQUOR BAN sa pampublikong lugar.
CURFEW: 10PM to 4AM
EFFECTIVE MARCH 25 TO APRIL 4, 2021
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post PROVINCIAL ADMINISTRATOR NG ORIENTAL MINDORO, PUMALAG SA ‘THE MANILA TIMES’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: