Facebook

Pulis patay sa hit-and-run

Nasawi ang isang pulis nang mabangga habang nagmamaneho ng motorsiklo sa national highway sa San Narciso, Zambales nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Police Cpl. Rexie Manalo.
Ayon sa ulat, bumabaybay ni Police Cpl. Manalo ang kahabaan ng Gov. Archimedes Villanueva Sr. National Highway sa Brgy. Simminublan nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo dahil madulas ang daan.
At natumba ang motorsiklo nito, na nabangga ng mini-truck na nakasunod sa kaniya dahilan para maipit si Manalo.
Sa halip na huminto, humarurot umano paalis ang mini-truck sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy ang pangangalap ng CCTV ng pulisya malapit sa pinangyarihan para maplakahan at mapanagot ang tumakas na driver ng mini-truck.

The post Pulis patay sa hit-and-run appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay sa hit-and-run Pulis patay sa hit-and-run Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.