Facebook

TODA members, public market vendors sa Tanauan, Leyte inayudahan ni Bong Go

PATULOY na iginugupo ng pandemya na dulot ng COVID-19, umaabot sa 800 indibidwal na binubuo ng mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association at public market vendors sa Tanauan, Leyte ang personal na binisita at binigyan ng iba’t ibang ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go sa aktibidad na isinagawa sa Tanauan Civic Center.

“Alam ko na mahirap ang buhay ngayon at mahirap ding maghanapbuhay dahil mayroong sakit na nakakahawa at nakakamatay. Pero magtiis lang po tayo ngayon dahil kapag magtulungan tayong lahat, mabilis nating malalampasan ang pagsubok na ito,” ayon kay Go sa mga benepisyaryo.

Binigyan sila ng makakain, food packs, masks, face shields, at vitamins sa nasabing aktibidad.

Ilan ang nakatanggap ng pares na sapatos at dahil sa limitado pa ring transportasyon, may mga binigyan ng bisikleta na magagamit sa pagtungo sa trabaho.

Ang ilan naman ay nabiyayaan ng computer tablets na magagamit ng kani-kanilang anak sa pag-aaral.

Nasa lugar din, kasama ng tropa ni Go ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Department of Health, National Housing Authority, Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Technical Education and Skills Development Authority para magbigay rin ng ayuda.

Hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na magtungo sa Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City kung nangangailangan ng tulong para sa kanilang karamdaman.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop na kinaroroonan ng opisina ng DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth para umagapay sa mga senior citizens, persons with disabilities at mga may sakit na dapat mabigyan ng tulong.

Labis na pinasalamatan ng senador ang mga provincial at local officials, sa pamumuno ni Leyte Governor Jericho Petilla, Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, Southern Leyte Vice Governor Christopherson Yap, and An-Waray Partylist Representative Florencio Noel, sa kanilang serbisyo sa mamamayan sa harap ng pandemya.

“Nagpapasalamat ako sa inyong kooperasyon at suporta. Patuloy kaming magseserbisyo para maiangat muli ang inyong kabuhayan. Magbayanihan po tayo,” ani Go.

“Kami naman po, tuluy-tuloy lang ang aming pagtulong, lalo na sa mga mahihirap. Para sa amin, ang serbisyo sa kapwa ay serbisyo sa Diyos,” diin niya.

Bago ito, nagsagawa rin si Go ng monitoring visit sa Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City kung saan ay namahagi rin siya ng iba’t ibang tulong sa may 1,944 frontliners at 283 indigent patients.

Kasama rin siya sa namahagi ng housing assistance sa Typhoon Yolanda victims sa pangunguna ng National Housing Authority. Umaabot sa 1,000 TODA members at 650 pamilyang biktima Typhoon Yolanda ang nabibiyaan ng ayuda ng tanggapan ni Sen. Go. (PFT Team)

The post TODA members, public market vendors sa Tanauan, Leyte inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TODA members, public market vendors sa Tanauan, Leyte inayudahan ni Bong Go TODA members, public market vendors sa Tanauan, Leyte inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.