Facebook

MIRACLE SPA SA PASAY,MILAGRO ANG GINAGAWA KESA MASAHE

“KUNG ang hanap mo ay ligaya sa buhay, sa lungsod ng Pasay duon manirahan”, as the familiar song goes!

Eto na naman po, isang spakol na may business name na MIRACLE SPA ang fully operational kahit pa panahon ng pandemic diyan sa lungsod ni Mayora Emi-Calixto-Rubiano sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue (formerly Buendia) Pasay City.

As usual, isang dating pulis ang nagmamay-ari ng “SPAKOL” na ito na nagngangalang RICARDO TAN alyas RICKY.

Mina-manage ito ng kanyang misis na si SHANE VILLAREAL.

Nagsisilbing cashier cum masahista ay isang ANGEL.

Ilan pa sa mga babaeng naroroon at stay-in ay sina Lyn at Anne.

Marami din umanong stay-out na mga masahistang nag-o-offer ng “extra service” kahit pa marami sa mga barangay ng Pasay ay nasa granular lockdown at maigting na ipinapatupad ang 10pm- 5am curfew.

24/7 ang operation ng nasabing spa cum putahan na protektado umano ng Pasay City PNP PCP 1.

Mula Php2500 pataas ang singilan sa bawat sex services na ipinagkakaloob ng mga massage attendants ng MIRACLE SPAKOL na ginagawa sa 2nd at 3rd floor ang MILGRO.

Singkuwenta porsiyento (50%) nito ay napupunta kay alyas SHANE na tumatayong MAMA SANG.

May A-1 info rin tayo na wala itong business permit mula sa BPLO ng Pasay LGU.

Kung ganitong nagkukumahog na ang ating national government at ang mga awtoridad sa pagsisikap na makontrol ang “spike” sa pagsipa sa bilang ng mga nagkaka-Covid-19, dapat lamang makisama ang mga opisyales ng Pasay City sa pamumuno nga ni Mayora Emi sa pagpapatupad ng standard safety health protocols at pag-utusan ang kanyang hepe ng kapulisan na salakayin ang binabanggit nating “spakol” d’yan sa Buendia.

Kung yaong mga legit na negosyo sa Pasay ay sumusunod sa mga itinadhanang protocols bakit ang isang underground prostitution den ay di kayang pigilan at patigilin?

Malapit lang po ‘yan Mayora sa isang car wash .

Panigurong amoy ng Pasay PNP PCP 1 ang nangangalingasaw na baho mula sa MIRACLE SPA na pag-aari nga ng dating pulis na si RICKY.

Paging NCRPO Director at idol nating si Major General Vicente Danao Jr., bosing paki utos naman po sa intel group ng NCRPO ang pag-raid sa spakol na ito d’yan sa Pasay at nang mabuko natin kung sinu-sino mga tolonges na kasapi ng Pasay PNP ang mga protektor nito.

Umaasa po ang inyong abang lingkod General Danao na kapagdakang aaksyonan n’yo po ang kalokohang ito.

Masyado po kasing garapalan ang operasyon ng spakol na ito na pag-aari ng isang dating pulis lalo na ngayong nasa pandemic po ang ating pamayanan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post MIRACLE SPA SA PASAY,MILAGRO ANG GINAGAWA KESA MASAHE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MIRACLE SPA SA PASAY,MILAGRO ANG GINAGAWA KESA MASAHE MIRACLE SPA SA PASAY,MILAGRO ANG GINAGAWA KESA MASAHE Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.