Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki na nagpapanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para kuwartahan ang taong may problema sa pasaporte.
Kinilala ang suspek na si Tomy Nikko Ong. At ang complainant kinilala bilang si Eloy.
Sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga tunay na tauhan ng NBI-Anti-Fraud para maaresto si Ong.
Dinakip si Ong nang tanggapin nito ang markadong pera na nagkakahalaga ng P250,000 na hiningi niya sa kaniyang biktima.
Nakuha rin kay Ong ang isang .45 gloc pistol na baril, at mga pekeng t-shirt, tsapa at ID ng NBI.
May lisensiya ang baril ng suspek pero wala siyang maipakitang permit to carry.
Sa report, lumitaw na nagpapanggap na NBI agent si Ong at nag-alok ng tulong para ayusin ang problema sa pasaporte ng kaniyang biktima sa halagang P70,000 at umabot pa sa P250,000.
Nahaharap si Ong sa kasong estafa, extortion, falsification of public documents at usurpation of authority.(Jocelyn Domenden)
The post Pekeng NBI agent, timbog! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: