Facebook

Trike drayber nakuhanan ng P3.4m droga sa Cavite

ARESTADO ang isang tricycle driver nang makuhanan ng nasa P3.4 milyon halaga ng droga sa Bacoor, Cavite sa buy-bust operation ng PDEA-Cavite.
Nakilala ang nadakip na si John Rex Llamera, 25 anyos, tricycle driver, ng Bacoor City.
Nakuhanan si Llamera ng nasa kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million.
Itinanggi ng suspek na gumagamit siya ng droga. Inutusan lang umano siya na mag-abot ng package, at ‘di niya kilala ang nag-utos at kung sino ang tatanggap.
Pahayag ng suspek, ginawa lang niya ang pag-deliver dahil kailangan magpa-check-up ng kaniyang asawa. (Mark Obleada)

The post Trike drayber nakuhanan ng P3.4m droga sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Trike drayber nakuhanan ng P3.4m droga sa Cavite Trike drayber nakuhanan ng P3.4m droga sa Cavite Reviewed by misfitgympal on Marso 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.