Facebook

Lider ng NPA patay sa ‘search warrant’

PATAY ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) sa operasyon ng militar at pulisya sa Nueva Vizcaya
Kinilala ang napatay na si Rommel B. Tucay alias Steve/Isaac, secretary ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre.
Ayon kay Major General Alfredo V. Rosario Jr., commander ng 7th Infantry Division, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na elemento 7th Infantry Division at PNP Dupax del Sur sa Barangay Kimbutan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Maghahain ng ‘warrant of arrest’ sa kasong ‘Homicide’ mula sa korte laban kay Tucay nang paputukan umano ng ‘di batid na bilang ng mga rebelde ang mga operatiba.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 9mm pistol, mga dokumento, 3 tablets, 7 smart phones, 2 Icom radio, 3 power bank at mga personal na kagamitan na naiwan ng mga tumakas na mga rebelde. (Mark Obleada)

The post Lider ng NPA patay sa ‘search warrant’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng NPA patay sa ‘search warrant’ Lider ng NPA patay sa ‘search warrant’ Reviewed by misfitgympal on Marso 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.