Facebook

Sales agent hinoldap sa loob ng grocery

ISANG ahente at kasamang driver ang natangayan ng mahigit P90,000 nang holdapin sa loob ng grocery habang nagde-deliver ng mga paninda sa Pamplona, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Alfredo Alain, 26 anyos, sales agent, ng Maguddayao St., Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City; at Jonathan Batan, 31, driver, ng Barangay. Dalaoig, Alcala.
Sa ulat, 12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng tindahan ng kanyang kliyente sa Barangay Bagu ng nasabing bayan.
Ayon sa report, habang nakikipag-usap si Alain sa may-ari ng tindahan biglang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves at helmet habang ang isa nitong kasama ay nag-aabang sa labas. Tinutukan nito ang biktima ng baril at nagdeklra ng holdap.
Walang nagawa ang biktima nang kunin ng holdaper ang kanyang sling-bag na naglalaman ng P90,000 na nakolekta at kanyang cellphone.
Tumakas ang mga holdaper lulan ng isang motorsiklo.

The post Sales agent hinoldap sa loob ng grocery appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sales agent hinoldap sa loob ng grocery Sales agent hinoldap sa loob ng grocery Reviewed by misfitgympal on Marso 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.