Facebook

Hepe ng Calbayog City at kanyang intel chief sibak sa ‘lawyers list’, ‘di sa pagkapatay kay Mayor Aquino

SINIBAK sa puwesto nitong Linggo si Calbayog City police chief, Lieutenant Colonel Neil Montaño, dahil sa nangyaring “engkuentro” na ikinasawi ni Mayor Ronaldo Aquino, kasunod ng pagtanggal din sa kanyang kanyang intelligence chief na nanghihingi ng listahan ng mga abogado ng mga aktibistang may kaso sa korte.
“With the concurrence of our Chief PNP, Police General Debold M Sinas, the Chief of Police of Calbayog City Police Station, Police Lieutenant Colonel Neil Montaño, is relieved from his post effective today, March 14, 2021,” sabi ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lieutenant General Guillermo Guillermo Eleazar sa kanyang statement nitong Linggo.
Si Calbayog City Mayor Aquino ay nasawi noong Lunes, Marso 8, na unang iniulat ng pulisya na “ambush” pero kinalaunan ay sinabing “shooutout” ang nangyari sa pagitan ng grupo ng alkalde at ng mga naka-bonnet na pulis.
Ayon sa PNP, nagsasagawa noon ang mga pulis ng “red teaming inspection on the operational readiness of PNP units in the area.”
Ang red teaming ay termino ng pulis na ang ibig sabihin ay nagkukunwaring kalaban sa kanilang security drills.
Sinabi ni Eleazar na sinibak si Montano dahil sa kanyang intelligence chief, Lieutenant Fernando Calabria Jr –nauna nang ni- relieved – na nanghihingi sa korte ng listahan ng mga abogado na nagdedepensa sa umano’y mga naaresto komunista o aktibista.
“These two unfortunate incidents are currently under investigation and PLtCol Montaño was ordered relieved for command responsibility,” sabi ni Eleazar.
Si Montano ay pinalitan ni Lt. Colonel Rodolfo Albotra, habang si Calabria ay pinalitan nu Major Ruel Burlat.(Mark Obleada)

The post Hepe ng Calbayog City at kanyang intel chief sibak sa ‘lawyers list’, ‘di sa pagkapatay kay Mayor Aquino appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hepe ng Calbayog City at kanyang intel chief sibak sa ‘lawyers list’, ‘di sa pagkapatay kay Mayor Aquino Hepe ng Calbayog City at kanyang intel chief sibak sa ‘lawyers list’, ‘di sa pagkapatay kay Mayor Aquino Reviewed by misfitgympal on Marso 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.