NAGULAT ang isang negosyante nang dalhin sa kanya at nais ibenta ng mga kabataan ang isang bomba sa probinsya ng Cotabato.
Sinabi ni M’lang Chief of Police, Lieutenant Colonel Realan Mamon, na isinilid ng mga kabataan sa sako ang isang UXO o Unexploded Ordinance at ibebenta sana sa isang mangangalakal sa Barangay New Antique, Mlang.
Laking gulat ng negosyante dahil ang laman ng sako ay 81mm high explosive projectile kaya agad niyang pinaalam sa mga otoridad.
Tinurn-over sa pulisya ang pampasabog at kinuha ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army.
Sa ngayon, inaalam pa ng M’lang PNP kung saan napulot ng mga kabataan ang naturang bomba.
The post Bomba ibinenta ng kabataan sa junkshop appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Bomba ibinenta ng kabataan sa junkshop
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 14, 2021
Rating:
Walang komento: