DAVAO CITY – Maagap ang naging aksyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa pagbibigay tulong sa naging sunog sa Davao City kamakailan.
Ayon sa ulat ng Davao City Social Welfare and Development Office (CSWDO), umabot sa 573 na pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab kamakailan sa Holy Cross Drive ng Barangay Vicente Duterte.
Dahil dito, mabilis na personal na pinangasiwaan ni Rep. Duterte ang pamimigay ng cash aid at bigas sa mga kaawa-awang biktima ng nasabing sunog kung saan 275 ay homeowners, 126 ang nakikituluyan, 127 ay nangungupahan, 40 ang boarders at anim na caretakers.
Ang mga nasunugan ay pansamantalang tumutuloy sa Kasilak Gymnasium at sa dalawang evacuation ng lungsod na kinabibilangan ng mga apektado sa natupok na 300 bahay.
“Lubos po ang aming pasasalamat sa aming mahal na kongregista na si Rep. Pulong Duterte. Napaka-swerte po namin, sapagkat patuloy ang pag-aaruga niya sa amin sa kabila ng kaabalahan nito sa Kongreso,” pahayag ng isa sa nasunugan na isang factory worker.
Samantala, nagpahayag din ng papuri si Bgy. Vicente Duterte chairwoman Remedios dela Luz sa mambabatas na ani nito ay patuloy ang tulong hindi lamang sa Una Distrito bagkus ay sa mga karatig na barangay. Maging sa mabilis na aksyon nito sa pandemya na tumama sa bansa.
The post Rep. Pulong agad sumaklolo sa mga nasunugan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: