PARANG sa 100 milyong Pilipino, tanging si PNP chief General Debold Sinas lamang ang exempted sa ipinapatupad na minimum health safety protocol.
Bakit kamo?
Pangalawang beses na nitong binalewala at inapak-apakan lamang ang mga protocols na nakalatag at parang sinasadyang ipakita ng heneral na being the chief PNP and favorite police general of President Duterte at that, he can do it with impunity again and again.
During Sinas term as chief of the Metro Manila Police, nagdiwang ito ng kanyang marangyang kaarawan sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya.
Ang insidente ay binansagang “Mananita” kung saan, kitang kita sa mga larawan na pinost pa sa social media ang glaring violations committed by the general himself and his guests, majority of them were high ranking police officers too.
Sa halip na bigyan ng sanctions at pagsabihang maging magandang ehemplo sa sambayanang Pilipino sa pagpapatupad at pagsunod sa mga itinadhanang health protocols ng pamahalaan para malabanan ang salot na Covid-19, si Sinas pa ang nagpasimuno at lantarang sumuway sa nasabing kautusan.
“Isang tagapagpatupad ng batas ang mismong lumalabag sa batas”!
Pero sa halip ngang kastiguhin ng boss nitong si Digong, na-promote pa at naging pinuno ng pambansang kapulisan (PNP) ang favorite boy ng Pangulo na si “Sin”-as.
Ang pagtatalaga kay Sinas bilang PNP chief ay binalot ng kontrobersiya among high ranking PNP generals na naniniwalang hilaw na hilaw pa ang paboritong heneral ng Pangulong Duterte para pamunuan ang 120,000 member police force.
These police generals na naniniwalang hindi karapat-dapat si Sinas sa kanyang nakuhang puwesto ay nagpasyang manahimik na lamang at igalang ang naging desisyon ng Pangulong Duterte.
Pero ang pananahimik ay hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon o pagtanggap sa inaakala nilang maling desisyon o kautusan.
Kung kaya’t hindi na tayo nagtataka pa kung bakit tila sunud-sunod na indulto ang mga nangyari sa serye ng mga palpak na operasyon ng kapulisan sa buong bansa.
Kapag mahina ang pinuno ng isang organisasyon gaya ng PNP, ano pa nga ba ang ating maaasahan kundi malatubang performances mula sa mga demoralisadong kapulisan.
And here comes General Sinas strike 2 offense in violation of health protocols in Calapan City.
Nagtungo ang heneral sa Calapan City, Mindoro via helicopter at hindi nakipagkoordinasyon ang kapilusan sa lokal na pamahalaan ng Calapan para sa pagdating nito.
Si Sinas ay nagpositibo sa Covid-19 noong March 11, 2021.
Knowing the right thing to do (protocols), the general did not even bother to undergo health screening kahit batid na nitong nagpositibo siya sa Covid-19.
Paano na ang mga taong nakasalamuha niya sa nasabing pagbisita?
Karamihan sa mga ito ay mga pulis din niya na dapat sana’y kanyang proteksyunan para di mahawaan ng nasabing virus.
Nagbigay ng malaking pangamba sa lahat ng taong nakasalamuha ni Sinas ang ginawa niyang ito.
What the FUCK and what the HELL is this?
Kapag ordinaryong tao ang nag-violate sa health protocols, mistulang kriminal kung ituring, pero kapag heneral pala at paborito at malapit sa kusina ng Malacanang ay okay lang?
Ganoon ba ang sistema sa bansa?
May “double standard”?
Kapag “patabaing baboy” pala ng Pangulong Digong, may immunity na sa paglabag sa health protocols!
Strike 2 ka na po General Sinas sir!
Kapag hindi ka pa talaga nag-resign as PNP chief, eh kapit-tuko ka ngang heneral!
Sadya bang wala kang DELICADEZA Gen. Debold sir?
Nagtatanong lang po, ‘wag po sanang magagalit!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Gen. Sinas, strike 2 sa safety health protocol appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: