Facebook

Tserman arestado sa baril at bala

DINAKIP ang isang kapitan ng barangay matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanyang tirahan at madiskubre ang mga itinatago nitong baril at bala sa Ilocos Sur.
Kinilala ang dinakip na si Ferdinand Vincent Lodivico Farol, 46 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Namitpit, Quirino, Ilocos Sur.
Sa ulat, 9:30 ng umaga nitong Linggo nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Ilocos Sur PFU, Quirino MPS, Cervantes MPS, 102nd COY RMFB PRO1, at144SAC, 14SAB PNP SAF, ang bahay ng opisyal sa bisa ng search warrant mula sa RTC 51, First Judicial Region, Tayug, Pangasinan na may petsang March 12, 2021.
Nasamsam sa bahay ng opisyal ang isang cal. 38 revolver at anim na bala nito.

The post Tserman arestado sa baril at bala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tserman arestado sa baril at bala Tserman arestado sa baril at bala Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.