ETO nalang ang kayang gawin ngayon ng gobyerno para kahit papaano ay mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng mabagsik na coronavirus disease 2019 (Covid-19).
After two weeks ng lockdown na ito, posibleng bumaba nga ang bilang ng Covid cases, depende sa mga ospital yan. Ang ibang hospital kasi kahit namatay sa atake sa puso, cancer, at iba pang sakit ay binibilang na Covid patient. Mismo!
Pagkatapos ng lockdown, maglalabasan uli ang mga tao, tataas na naman ang bilang ng Covid cases. Lockdown uli!
Walang katapusang lockdown ang mangyayari sa bansa sa sistemang pinaiiral ngayon ng gobyerno. Magulo. Laban-bawi. Walang direksyon, walang plano. Puros lang buladas…
Ang masaklap pa, wala nang ayuda sa ipinatutupad na lockdown. Gutom si Juan dela Cruz!
Tapos mag-aanunsyo si Presidential spokesman Harry Roque: “Excellent” ang grado ng gobierno sa paglaban sa Covid 19. Yawa!
***
Sa tingin ko, kahit pa mag-lockdown ng isang buwan o higit pa, mag-double facemask ang mga tao kahit sa loob ng tahanan, hindi parin mawawala ang Covid.
Oo! Naalala nyo ba na nanggaling na tayo sa tatlong buwan hard lockdown, walang labasan ng tahanan, sarado lahat ng negosyo maliban sa palengke at groceries na limitado ang kapasidad, mula Marso 17 hanggang Mayo 31, 2020? Konti palang ang kaso ng Covid-19 noon. Kung natutunaw ang Covid sa loob ng 14 days, dapat nag-zero Covid case na sa 90 days lockdown noon, right? Pero wala eh… heto parin ang Covid sa paligid…
Sa tingin ko ay hindi na mawawala itong Covid sa ating paligid kahit magkaroon pa ng bakuna. Kita nyo naman kahit ‘yung mga naturukan na ng gamot ay nahahawaan parin ng paulit-ulit.
Buti pa ‘yung taga-slum areas na walang masustansi-yang nakakain, walang bakuna, hindi nagkaka-Covid. Kapag inubo, sipon, lagnat na sintomas ng Covid, umii-nom lang sila ng ordinaryong ganot na paracetamol, ayos na!
Hindi ko sinasabi na ‘wag kayong magpaospital kapag inubo, sipon, trangkaso ha? Kaya lang ‘pag tiningnan kayo ng duktor sa karamdamang ito, malamang mabilang kaso sa Covid cases. Wala na kasing ibang sakit ngayon kundi Covid-19, pansin nyo ba?
Isa pang napapansin ko, yung mga lasenggo lalo hard drinker, wala tayong nababalitaan na nagkasakit ng Covid. Hindi kaya alak ang gamot sa Covid? Hehehe…
Tapos mostly ng nagkaka-Covid ay ‘yung sobrang malilinis sa katawan, mga nag-oopisina at airconditioned ang bahay. Pansin nyo ba?
May isa pa akong napapansin dito sa Covid-19. Yung mga taga-probinsiya, malayo sa mga lugar na may kaso ng virus, walang pumasok na taga-ibang lugar sa barangay nila, sila-sila lang ang mga tao doon, walang travel history, nagka-Covid! Paano nangyari ito? Eh sabi ng mga duktor nakukuha ang virus sa pamamagitan ng human transmission, sa talsik ng laway. Alangan namang ang laway ng taga-ibang isla ay tumalsik hanggang kabilang isla. Potah!
Ang hirap ipaliwanag ng sakit na ito. Napakahiwaga! Parang gawa-gawa lang ng mga awtoridad sa medisina.
Anyway, sumunod nalang muna tayo sa mga ipinatutupad na protocols ng gobyerno. Sana silang mga nagpa-patupad ay sumunod din kasi laging sila ang nagkaka-Covid positive eh. Hehehe…
Keep safe, mga boss. Cancel muna ang Semana Santa!
The post ‘Lockdown’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: