INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na marami pang bakuna ang inaasahang darating laban sa COVID-19 habang patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang vaccine rollout nito hanggang sa maabot ang herd immunity at maibalik na sa normal ang sitwasyon sa bansa.
Ayon kay Go, nasa kabuuang 3,525,600 doses ng COVID-19 vaccines ang natatanggap na ng bansa, as of April 28. May 500,000 Sinovac doses ang inaasahang darating ngayong linggo habang pinipinalisa na lamang ang delivery ng inisyal na doses ng Gamaleya Sputnik V mula sa Russia.
Ibinalita rin ng senador na may 10 million pang vaccine doses ang inaasahang darating sa katapusan ng unang yugto ng taon.
Target ng pamahalaan na maabot nito ang pagbabakuna sa 70% ng populasyon laban sa COVID-19 ngayong 2021 para marating ang herd immunity.
Kaya naman nanawagan si Go sa publiko na patuloy na magtiwala sa vaccination program ng pamahalaan at umapela siya na sundin ang vaccination priority list.
“Magtiwala kayo sa gobyerno, ‘wag kayo matakot sa bakuna, matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang tanging susi natin para unti-unti na tayong makabalik sa normal na pamumuhay,” anang senador.
“Kaya ako po, nananawagan sa ating mga kababayan na sumunod tayo sa priority list ng gobyerno. Unahin natin dapat ang frontliners, senior citizens, persons with comorbidities,” ani Go.
“Importante dito, unahin natin ang mga frontliners. Sila po ang pinasabak natin sa giyerang ito, dapat armasan natin sila. ‘Di basta basta maging frontliners, nasa panganib ang kanilang buhay, kaya dapat mabakunahan ang 1.7 million na health frontliners at sunud-sunod na po ‘yan,” idinagdag niya.
Ayo sa mambabatas, ginagawa ng gobyerno ang lahat para makakuha ng bakuna ngunit inamin niya na talagang limitado ang supply.
“‘Yung galing COVAX… until now, ‘di pa dumarating ang kulang,” aniya.
Sinabi niyang hindi na kakayanin ng Pilipinas kung magyayari ang sitwasyon sa bansang India na bumagsak na ang healthcare system sanhi ng patuloy na pagtaas ng bagong kaso at mga namamatay.
“Tignan n’yo ang nangyari (sa India), talagang hindi na kontrolado. ‘Yun ang ayaw nating mangyari na babagsak ang ating healthcare system. Kapag bumagsak po ang ating healthcare system, lagot tayo, hindi natin ma-afford na maging 100 percent ang occupancy rate (ng hospitals) o tatanggi na ang mga ospital,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post 10 million doses ng bakuna, parating sa bansa — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: