Facebook

Sugal at droga sa Pro 3!

MATAPOS na maisiwalat ng inyong lingkod ang cigarette smuggling ng magkapatid na Mulong at Raffy sa Cental Luzon area na nasa ilalim ng hurisdiksyon ni PNP Region 3 Director, P/BG Valeriano De Leon, ay ilang mga text messages ang ating natanggap mula sa nagpapakilalang concerned barangay kagawad ng lalawigan ng Bulacan na nagpapatotoo na laganap nga ang pagbebenta ng mga smuggled na sigarilyong Two Moon, Blue Star, Fort, Union, Ligon at DnB.

Mula din kay kagawad ay natuklasan ng inyong lingkod na mula sa pag-ooperate ng salot na bisyo ng kinilalang Jueteng King ng CALABARZON, ay napalawig na pala ni alias “Don Ramon” ang kanyang pesteng pasugal sa siyudad ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan.

Kaya bukod pala sa malakas ang bentahan ng kontrabandong sigarilyo na pumapatay sa ating lokal na tobacco at cigarette industries sa San Jose Del Monte, Bulacan ay may magnanakaw pa doon ng kubransa ng PCS0-Sponsored Small Town Lottery (PCSO-STL) at ito nga ay ang pa-bookies o jueteng at loteng operations ni alias “Don Ramon”.

Kapag nabanggit ang pangalan ni alias “Don Ramon” sa CALABARZON ( Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon) ay kaakibat na nito ang operasyon ng jueteng na hindi masupil ng kapulisan sa nasabing rehiyon.

Kung gayon pala ay kaliwa’t-kanan na ang iligal na pinagkikitaan ni alias “Don Ramon”: may pajueteng sa mga probinsya ng Quezon, Laguna, Batangas at iba pang bahagi ng Southern Tagalog Region o CALABARZON at maging sa Bulacan na sakop naman ng rehiyon ng Central Luzon.

Sa bayan ng Sariaya, Quezon ang lungga ni alias “Don Ramon”, ngunit maging sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, Rizal ay nakapag-ooperate ito ng parang ligal na pagpapatakbo ng jueteng pagkat hindi nga ito makontrol ng mga kapulisan ni PNP Region 4-A Director, P/BG Felipe Natividad.

Labis na nagtataka ang ating police insider kung bakit nga naman sa mga area na malakas ang kubransa ng jueteng ni alias “Don Ramon” ay grabe din doon ang batakan ng droga lalo na ng shabu.

Ating tutuklasin kung may kawing nga sa kalakalan ng droga ang isang alias “Don Ramon”?

Hindi naman kataka-taka pagkat napakalaki ng lingguhang intelhencia na ipinamumudmod ni Don Ramon sa ilang kurakot at scalawag na opisyales at miembro ng kapulisan sa Region 4-A.

At hindi na rin tayo namangha nang madiskubre nating nakarating na pala ang iligal na hanapbuhay ni alias “Don Ramon” sa nasasakupang rehiyon ni General De Leon.

Naibunyag din sa inyong lingkod ni kagawad ang operasyon ng loteng at jueteng ng isang Marivic sa bayan ng Sta Maria sa probinsya din ng Bulacan.

Hindi na bago sa ating mga kababayan ang jueteng at loteng hinango man ito sa nananalong kumbinasyon sa ligal na pagbobola ng PCSO o sariling pagbobola nina alias “Don Ramon” at Marivic na pangkaraniwang ginagawa ng mga nagkunkunyaring franchise holder ng tanggapan ni PCSO Chairperson at General Manager Royina Garma.

Aminado naman si Garma sa isang Congressional hearing na ginanap noong nakaraang Pebrero 2021, na walang sinumang indibibwal o kaya ay korporasyon ang binigyan ng franchise ng PCSO para magsagawa ng pagbobola ng lottery sa mga probinsya. Kaya’t sa madaling salita ang tanggapan lamang ng mga ligal na outlet ng PCSO ang maaring magsagawa ng pagbobola ng STL. Kaya ang sinumang nangungubra, nagpaparebisa ng taya at nagsasagawa ng STL draw sa labas ng PCSO Office ay maliwanag na nag-ooperate ng jueteng o kaya ay loteng.

Hindi natin akalain na namamayani pala ang mga gawaing labag sa batas sa Area of Responsibility (AOR) pa naman ng isa sa ating idolong Police Colonel, Lawrence Cajipe.

Palibhasa ay may dugong pulis ang inyong lingkod ay natatawa tayo kapag ating pinagbabalik-tanaw ang police carreer nang noon nay isa pa lamang rookie Lieutenant na si Lawrence Cajipe.

Naging kontrobersyal ang pangalan ni Cajipe nang madawit ito sa isang kasong murder sa Cavite na humantong sa madramang tagpo sa isang punerarya sa nasabing lalawigan.

Akala natin ay hindi na makakabangon ang isang Lt. Cajipe sa pagkakadapa. Ngunit dahil din sa nasabing insidente ay nahinuha ng inyong lingkod na isang matapang, madiskarte at matalinong alagad ng batas si Cajipe. Kaya naman natuwa ang inyong lingkod nang muling mabalitaan ang pag-usbong ng police service ng pulis- Maynila na si Cajipe.

Kaya ang unsolicited advice ng pitak na ito sa magiting na Col. Cajipe ay huwag sana itong masisilaw sa kinang ng salapi na nagmumula sa mga smugglers na tulad nina Mulong at Raffy gayundin kina Don Ramon at Marivic na maituturing na mortal na kaaway ng ekonomiya ng bansa.

Sa gabay ng Maykapal hindi tayo magtataka na darating ang panahon na bubulagain na lamang tayo na ang isang Colonel Cajipe ay isa ng General Cajipe!

Masusing tututukan natin ang aksyon nina Gen. De Leon at Col. Cajipe laban kina Mulong, Raffy, Don Ramon at Marivic. Para sa ating tagatangkilik sa Region 3 lalo kay kagawad ng Bulacan, huwag sana kayong matatakot na magsiwalat at magbahagi ng katotohanan sa SIKRETA.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Sugal at droga sa Pro 3! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sugal at droga sa Pro 3! Sugal at droga sa Pro 3! Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.