Facebook

Sakripisyo ng health workers kinilala ni Bong sa pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar City, Cebu

KINILALA at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang sakripisyo ng healthcare workers sa frontline ng COVID-19 pandemic, kasabay ng pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital sa Carcar City, Cebu.

Ang CPH ang ikaanim na ospital sa Cebu na tinayuan ng Malasakit Center, kasama ng Eversley Childs Sanitarium & General Hospital sa Mandaue City, Vicente Sotto Memorial Medical Center at St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu City, Lapu-Lapu City District Hospital at Talisay City District Hospital.

“Mula sa amin ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, maraming salamat sa mga frontliner dito sa Region 7 para sa inyong serbisyo ngayong panahon. Nakita ko ang inyong mga doctors at nurses, ang sisipag talaga at nag-volunteer pa na pumunta ng Manila… Isog gid ang mga Bisaya at mayroon malasakit sa kapwa niyang Pilipino,” ani Go.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go sa healthcare workers ang patuloy na suporta nila ni Pangulong Duterte sa mga ito.

Matatandaang hindi tumigil si Go sa pagtutulak na maiayos ang kompensasyon para sa nurses sa pamamagitan ng Salary Standardization Law V na siya ang may akda at pagbibigay ng alokasyon ng pondo para sa implementasyon ng Supreme Court decision na itaas ang entry level salary grades ng public sector nurses, at iba pa.

Sa harap ng COVID-19 crisis, matagumpay ding naiapela ni Go ang paglalabas ng active hazard pay at special risk allowance benefits para sa health workers.

“Kayo ang inaasahan ngayon. Kaya nga frontliners dahil kayo ang nakakaalam ng ganitong giyera. Salamat sa inyong sakripisyo at rest assured na handa kami ni Presidente Duterte na magserbisyo sa inyong lahat. Sabihan niyo lang kami kung anuman ang maitutulong namin,” patuloy ni Go. (PFT Team)

The post Sakripisyo ng health workers kinilala ni Bong sa pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar City, Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sakripisyo ng health workers kinilala ni Bong sa pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar City, Cebu Sakripisyo ng health workers kinilala ni Bong sa pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar City, Cebu Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.