NASA 150 bikers ang hinuli at ibinilad sa araw ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo ng umaga sa Quiapo, Manila.
Ayon kay MPD Director, BGen. Leo Francisco, inabuso ng bikers ang “window hour” para sa pag-e-ehersisyo na 6:00 – 9:00 ng umaga.
Unang nagtungo ang bikers sa Roxas Boulevard pagkatapos dumiretso sa Simbahan ng Quiapo at doon na nag-umpukan, dahilan para sila hulihin ng mga pulis nang walang maipakitang quarantine pass.
“Ang instruction ko kay Stn. Commander 3 ay pag nakuha ng mga identification ay i-release na,” ayon kay Francisco.
Nalaman na hindi mga taga-Maynila ang mga siklista na dumayo sa lugar para mag-exercise at magsimba.
Sinabi ni Francisco na maaa-ring mag-ehersisyo habang may ECQ pero dapat sa harap lamang ng kanilang bahay o sa loob lamang ng kani-kanilang barangay.
Pinahilera ni MPD-PS 3 Commander, Lt. Col. John Guiagui, sa may Plaza Miranda ang mga siklista dahil aniya ay gusto rin naman ng mga ito na mag-exercise at maarawan.
Nang makuha ang mga pagkakilanlan ng mga siklista ay pinauwi narin ang mga ito ng mga pulis.
(Andi Garcia)
The post 150 bikers huli sa Maynila, ibinilad sa araw appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: