PINAGBABARIL-PATAY ang binatang anak ng Sangguniang Bayan member ng nakasabay nito sa kalsada na kapwa nakamotorsiklo sa Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Carl Dominic Labuson, 19 anyos, anak ni SB member Larry Labuson, residente ng Leganes, Iloilo City.
Sa report ng Jaro Police Station, 8:00 ng gabi nitong Abril 3, 2021, naganap ang krimen sa kalsadang sakop ng Metropolis Avenue, Jaro, Iloilo City.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa motorsiklo nang makasabay ang salarin na nakamotorsiklo din sa nasabing lugar.
Kuwento ng ilang saksi, nakita nilang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa nakarinig na lamang sila ng magkasunod na putok ng baril at mabilis na tumakas ang salarin.
Kaagad isinugod sa ospital ang biktima pero namatay rin sanhi ng 2 tama ng bala ng baril sa ulo.
The post Anak ng konsehal niratrat-patay ng kasabayan sa kalye appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: