CAUAYAN, Negros Occidental – Dalawang sundalo ang nasawi nang tambangan ng mga teroristang New People’s Army nitong Sabado, Abril 3, 2021, sa Sitio Cambaga, Barangay Yao-yao, Cauayan dito sa lalawigan.
Ang mga sundalo ay nasa erya upang suportahan ang Community Support Program (CSP) team para makagawa ng resolutions sa mga isyu nang paulanan ng bala ang mga ito ng mga rebelde.
Ang Barangay Yao-yao ay isa sa mga erya sa Negros Occidental na pinamumugaran ng NPA. Ang CSP operations sa erya ay lubos na apektado ng Communist Terrorist Groups.
Sinabi ni 15IB Commanding Officer, Lt. Col Erwin Cariño, na “Our Soldiers sacrificed a lot and risk their lives in the service of the country to protect the people in Negros so we can have peace.”
Hindi muna pinangalanan ang mga nasawing sundalo habang hindi pa naipagbigay-alam sa mga kamag-anak nito ang malungkot na pangyayari.
The post 2 sundalo patay sa atake ng NPA sa Negros appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: