INIUTOS ng alkalde ng siyudad ng Pampanga na alisin sa puwesto ang lahat ng pulis na naka-assign sa Angeles City Police Station 5 matapos masangkot sa isang “April Fool’s Day” prank sa social media ang ilan sa mga tauhan nito.
Sa video na inilabas noong Abril 2, tila nag-aresto ang mga nakaunipormeng tauhan ng isang indibidwal gamit ang opisyal na sasakyan ng Philippine National Police (PNP).
Nagpakilala ang mga ito na mga pulis ng Police Station 5. Pero kalaunan sinabing “prank” lamang ang pag-aresto.
Hindi pa nagbigay ng dagdag-detalye ang alkalde tungkol sa ginawang prank.
Dahil dito, ipinasasara narin ng City hall at sinuspende ang permit to operate ng music studio kungsaan ginawa ang prank dahil sa paglabag ng mga indibidwal sa health protocols gaya ng social gathering, social distancing at pagsusuot ng facemask.
Nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Angeles City na may liquor ban at 10:00 ng gabi – 5:00 ng umaga ang curfew.
The post Mga pulis ng Angeles City PS-5 sinibak sa ‘April Fool’s Day’ prank appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: