NASAWI ang isang retired major ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kasalukuyang manager ng security agency, habang tatlong motorcycle riders ang nasugatan nang salpukin ng kotse ng una sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-Way, Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite, noong Biyernes.
Kinilala ang nasawi na si Ronald Macalintal, 51, residente ng Bacoor City.
Sugatan naman ang tatlong riders na sina Jenno Ventura, 24; Erson Padilla, 37, kapwa delivery rider; at Momol Isaias, 36, electrician.
Sa ulat, 2:40 ng hapon magkakasunod na bumabagtas ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway papuntang Maynila at bumabagtas ng opposite direction ang kotse ni Macalintal nang mag-counterflow ito at nasalpok ang tatlong riders.
Tumilapon ang mga riders habang naipit sa loob ng kaniyang minamanehong kotse si Macalintal.
Idineklarang dead-on-arrival sa St. Dominic Hospital si Macalintal.
The post Ex-AFP Major todas sa counterflow appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: