DINAKIP ang isang konsehal nang makuhanan ng mga iligal na baril sa La Union.
Kinilala ang inaresto na si Municipal Councilor Mapalo ng Barangay Gonzales, Tubao.
Sa report, naaresto ang opisyal sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 31 sa Agoo, La Union.
Nakumpiska sa konsehal ang .45 pistol, magasin na may lamang bala, 1 armalite rifile at ang magasin nito.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, hindi maibigay ni Mapalo ang mga dokumentong kinakailangan.
Dinala na sa Tubao Police Station ang konseha at nahaharao sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
The post Konsehal huli sa mga iligal na baril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Konsehal huli sa mga iligal na baril
Reviewed by misfitgympal
on
Abril 04, 2021
Rating:
Walang komento: