Facebook

2 Lalaki nakiramay, pinaglamayan

LAGUNA – Magkasunod na binawian ng buhay ang magkaibigan nang pagbabarilin sa mismong lamay ng kanilang kapitbahay sa Barangay Parian, Calamba City dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Calamba City Chief of Police, Lt. Colonel Jonathan Villamor, nakilala ang mga biktima na sina Anthony Battaler at Ernesto Vista, kapwa residente ng nasabing barangay.
Nabatid na Lunes 9:00 ng gabi habang naglalaro ng tong-its ang magkaibigan sa lamay nang sumulpot ang mga salarin at malapitang pinagbabaril ang mga biktima. Dead on the spot ang mga ito. Hindi naman dinamay ng mga salarin ang iba pang naglalaro.
Tumakas ang mga salarin na naglalakad lamang.
Sinabi ng pulisya na kapwa nasa drugs watchlist ang mga biktima. (Dick Garay)

The post 2 Lalaki nakiramay, pinaglamayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Lalaki nakiramay, pinaglamayan 2 Lalaki nakiramay, pinaglamayan Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.